Thursday, December 2, 2010

gaya gaya lang

oist sakura!
imbyerna 'tong mga fans ko ha.
ginagaya ako, nagpapahalata na ha.
mga food na gusto ko, gadgets
at parang tinatalo pa ako sa 
kasikatan ko with the boys.
abah! copycats!
(menchu, 27)

hoy menchu!
artista ka ba at feeling mo may fans ka?
kung ganyan ka kasikat, bakit may panahon
ka pa na pansinin ang ginagawa ng iba?
exclusive ba ang food mo para ikaw
lang dapat ang magkagusto?
tigmilyones ba ang gadgets mo at feeling mo
ikaw lang ang nakaka-afford?
at ano namang tungkol sa kasikatan mo sa boys?
si angelina jolie ka ba? si madonna?
hoy, baka gusto mo magkape
para magising ka sa troot.
laos ka na... anoberz!
(sakura)

Sunday, November 14, 2010

walang isang salita

oist sakura!

nakakainis ang partner ko sa research-
walang isang salita!
makailambeses ko na ni-postpone
ang presentation kasi makailambeses nya na rin
'di naihahatid ang mga data na kailangan
para dun! puro sorry pero mukhang 'di
naman nag-e-effort.
arrrgggh!

(dencio, 21)

-------------

hoy dencio!

bakit sya pinili mong partner?
dati ba ay ganyan din sya?
bakit ka pa umasa at nag-postpone ng
meet kung makailambeses na pala syang palpak?
'di ka pa natuto?
kapag nagkagulo-gulo dahil jaan pwede ka
rin bang mag 'sorry' na lang?
inis na inis ka na 'di ba?
galit na galit ka na 'di ba?
bosit na bosit ka na 'di ba?
pwes!'wag ka na umasa!
gawin mo na 'yan mag-isa!

(sakura)

Monday, October 18, 2010

ayaw i-add sa FB

oist sakura!

yung ex ko 'di pa rin ako ina-add sa FB nya.
matagal ko na alam na may FB sya at
alam nya na may FB din ako eh
bakit ayaw nya ako i-add?
(liezel, 28)



hoy liezel!
ano naman pakelam mo sa ex mo at FB nya?
kaya nga ex 'di ba, wala nang 'y' (why) pa?
eh ano kung matagal na sya may FB?
eh ano kung alam nyang may FB ka?
eh ano kung ayaw ka nya i-add?
bakit 'di na lang ikaw mag-add?
mamamatay ka ba 'pag 'di ka
in-aacept? bwahaha!
goodluck!
(sakura)

Sunday, September 19, 2010

mag-arinola!!!

oist sakura!
kakainis naman ang kashare ko sa bahay,
nakikipaglampungan sa jowa sa kusina
eh dumadaan ako dun para
makabanyo! ano ba?!
sarap sakalin grrr!!!
(nancy, 30)

hoy nancy!
ang kapal naman ng mukha nilang maglampungan
sa daanan pabanyo! wala ba silang kwarto o
pang-motel? dumaan ka hanggang
gusto mo kasi dun ka nakatira
kayaan mo na sila! bakit---
shy ka ba?  ay naku!
kung ganyan ka eh
mag-arinola ka!
(sakura)

PS. ibuhos mo sa mukha ng mag jowa
kapag napuno (ka) na. bwahaha!

Wednesday, August 25, 2010

aswang na kuya

oist sakura!
aswang 'tong kuya ko.
inuutangan mga kaibigan ko (sa
pamamagitan ko), kala ko naman kasi
babayaran nya agad hindi pala!
wala naman akong maitapal kaya hiyang-hiya
na ako sa mga kaibigan ko.
magtago na ako?
(zely, 22)

hoy zely!
aswang talaga kuya mo?
hindi kaya bampira kasi nang-uubos ng pera
at pasensya at hiya? patay ka jan, nakakahiya nga!
wala ka ba talagang pambayad (pantapal)?
anong sabi ng kuya mo? anong balak mo?
hindi kaya mas maige na ipaliwanag mo na lang sa mga
kaibigan mo at subukang bayaran sila pa unti-unti?
'di ka kaya nila maintinidihan kapag ipinakita mo naman
na pinagsisikapan mo maituwid ang lahat?
natuto ka na ba sa pangyayaring ito? uulit ka pa?
magtago? huwag! mas nakakahiya yun!
(sakura)

Sunday, July 25, 2010

in lab ako

oist sakura!
in lab ako.
ambait nya at lagi nya akong
tinitext at pinapaalalahanan. 
mature! kilig kilig.
sya na ba ang lalaki sa buhay ko?
(neneng, 26)

hoy neneng!
umayos ka nga!
yan lang ang alam mo sa kanya?
mabait? lahat ng lalaking meh masamang balak
eh mabait sa umpisa.
laging nagti-text? subukan mong magpalit ng
sim, ibang network, itext ka pa kaya?
mature? kilig kilig?
kaya ka kinikilig kasi mature?
ang gulo ha. baka naman anlayo ng edad nyo.
maghunosdili ka muna, baka bukas
malaman mong meh asawa pala yan
at may anak pa sa ibang babae.
mag imbestiga ka!
(sakura)