Thursday, September 30, 2010

ginagamit lang ako

oist sakura!
bakit ganun na lang palagi?
'ramdam ko ginagamit lang ako
ng mga kaibigan, kamag-anakan at
kung sinu-sino pang nakakatrabaho ko...
mukha ba talaga akong gamit?
(mistika, 24)

oist mistika!
bakit ganun na lang palagi?
bakit 'ramdam mo ginagamit ka lang?
paanong ginagagamit?
at paanong pwede kang magamit?
kapag ginagamit ka, alam mo bang ginagamit ka?
kung hindi, bakit hindi mo alam?
at kung hindi mo alam, bakit ka apektado?
kung oo, bakit ka nagpapagamit?
at kung nagpapagamit ka, bakit ka umaangal?
mukha ka bang talagang gamit?
gamitin mo na lang din sila!
(sakura)

Monday, September 27, 2010

wag na kasi mag-ingles

oist sakura!
'di ko alam kung maiinis ako o
matatawa o maaawa dito sa
kakilala ko. ang baho kasi
ng pang-i-ingles. josko.
pwede ba ipapulis?
(jerry, 35)

hoy jerry!
bawal bang mainis sa maling ingles? at ba't ka apektado?
bawal bang matawa ng konti? ba't pinipigilan mo?
bawal bang maawa at tumulong?
'di ba mas maigeng yan gawin?
ipapulis????? wag naman!
kaibigan mo ba 'yan? pagpayuhan mo!
kaw papulis ko jan eh! amp!
(sakura)

PS. eto nakita ko lang, baka makatulong senyo
http://www.dontenglishme.blogspot.com/

Saturday, September 25, 2010

walang kwentang alila

oist sakura!
napakawalang-kwenta naman nitong alila ko.
bukod sa tanghali na gumising eh napakabagal pa kumilos.
at naku ha, pasaway, 'di naliligo ng maayos at ang baho ng kwarto.
dagdag pa, ang bagal ng pick-up, ang hina ng utak!
naku! nauubos na talaga pasensya ko!
paalisin ko na?
(jaya, 45)

hoy jaya!
kaya nga alila 'yan kasi hindi kasing talino mo 'di ba?
matalino ka nga ba o naging mas mayaman lang sa kanya?
ano ba talaga problema mo sa kanya- ang kilos?
ang baho ng kwarto? ang kahinaan ng pick-up? o ang paggising
ng tanghali? o lahat-lahat na?
kasi 'di mo pa pinapaalis sa likod ng sobrang daming angal
mo sa alilang iyan, ibig sabihin ay 'di pa ubos ang
pasensya mo, ubusin mo kaya muna!
kelangan bang tawaging alila?
subukan mo kayang
tawaging 'madam'?
malay mo!
(sakura)

Thursday, September 23, 2010

sana umalis na sya

oist sakura!
parang nakakabadtrip na ang pinsan ko.
wala nang ginawa sa buhay kundi makikain, makitulog, makigamit
ng mga gamit ko...mabait lang din ako sa kanya kasi hindi
sya nagsusumbong sa mga magulang ko na sa akin
din natutulog ang gf ko minsan.
pa'no ko kaya sasabihing
inis na ako sa kanya?
(gardo, 21)

hoy gardo!
bakit 'di mo pagsabihang humanap na lang ng ibang matitirhan?
bakit 'di mo pagsabihang bumili ng sariling nyang pagkain?
bakit 'di mo pagsabihang 'wag gamitin ang gamit mo?
ay oo nga pala, kasi nga pala may sikreto kang
hindi nya binubulgar 'noh?
pwes! magdusa ka! bwahahaha!
sige na nga, eto ang payong-tanong ko:
bakit 'di mo na lang sabihin sa mga
magulang mo ang lahat?
bakit 'di mo na rin kausapin na lang
ng masinsinan ang pinsan mo?
(sakura)

may dugyot sa palibot

oist sakura!
ang hirap ng buhay kaya nakatira ako sa apartment
na iisa ang banyo ng tatlong unit. okay lang
naman sa akin 'yung hatiang gamit pero
macho ako, mga kakapit-kwarto ay
feeling-sexy at nasusuka ako
kapag nakakakita ng gamit
na napkin na naiwan o 
mga patak ng regla
(minsan tae pa) sa 
sahig. dugyot
sila'di ba?
(ronald, 28)

hoy ronald!
sinubukan mo na bang pagsabihan ang kakapit-kwarto
mo tungkol sa phobia mo sa dugo... o sa ano mang
isyung ito ng masalimuot na buhay mo?
meh phobia ka nga ba sa dugo o
sadyang madirihin ka lang?
wala bang basurahan na meh takip sa banyo?
bakit 'di mo na lang lagyan?
at tungol sa mga patak sa sahig...
wala naman akong masabi kundi - ew! ew! ew!
(at minsan meh tae pa??? totoo???)
ano ba?!!! nasusuka na ako!!!
'wag ka na sumulat dito
please lang!!!
(sakura)

sabing busog na- ANG KULIT

oist sakura!
haynaku, opizmeyt ko nakakainis.
bigay ng bigay ng pagkain eh
ayoko na nga! busog na!
pa'no kung masuka na
ako sa kabusugan?
(lorena, 25)

hoy lorena!
food factory ba yang opiz nyo?
ayaw mo na binibigyan ka?
(akin na lang!)
hindi ka ba marunong tumanggi lang ng maayos?
bakit ka ba nagagalit? magsuka ka na
lang kaya sa harap nya para
matapos problema?
(sakura)

Sunday, September 19, 2010

mag-arinola!!!

oist sakura!
kakainis naman ang kashare ko sa bahay,
nakikipaglampungan sa jowa sa kusina
eh dumadaan ako dun para
makabanyo! ano ba?!
sarap sakalin grrr!!!
(nancy, 30)

hoy nancy!
ang kapal naman ng mukha nilang maglampungan
sa daanan pabanyo! wala ba silang kwarto o
pang-motel? dumaan ka hanggang
gusto mo kasi dun ka nakatira
kayaan mo na sila! bakit---
shy ka ba?  ay naku!
kung ganyan ka eh
mag-arinola ka!
(sakura)

PS. ibuhos mo sa mukha ng mag jowa
kapag napuno (ka) na. bwahaha!

Thursday, September 16, 2010

nangangatog sa kaba

oist sakura!
taragis! ninenerbyos ako!
nangangatog sa kaba.
whooo!
(carl, 27)

hoy carl!
kung kinakabahan eh dapat bang magmura?
bakit ka nga ba kinakabahan?
meh magawa ka bang
kahindik-hindik?
kung wala naman, pwede ba, chillax!
taena! nakakahawa ka!
(sakura)

Monday, September 13, 2010

ayoko na magbasurero

oist sakura!
lagi na lang ako tigatapon
ng basura sa kusina ng dorm namin.
hindi lang naman ako ang nagluluto pero
ako lang ata ang nakakapansin na
iniipis na sya kaya dapat na
itapon. ayoko na!
(dude, 22)

hoy dude!
bakit mo itinatapon lagi kung
hindi lang naman pala ikaw gumagamit?
bakit hindi ka na lang gumawa ng
sarili mong basurahan para yun lang ang itapon mo?
hindi ba pwedeng hindi ka na makiluto rin
sa kusina ninyo para wala ka na isipin
o pandirihan na mga ipis?
kung ayaw mo na, lalo naman ako! ew!
(sakura)

pagod na magmahal

oist sakura!
akala ko nuong una walang katapusan
kapag umibig o magmahal ka sa isang tao.
ngayon alam ko na na hindi pala
totoo yun. ramdam ko tapos na eh
pagod na ako at parang ang lahat
ng nangyari ay walang kwenta.
meron palang ganun?
(reyneir, 25)

hoy reyneir!
mahabang usapan kasi ang pag-ibig eh
inuman na lang kaya?
so nalaman mong may katapusan ang pag-ibig?
magandang saliksikin yan!
teka, sigurado ka bang pag-ibig yun?
napagod ka sa kakaibig? teka teka,
ano bang pinaggagagawa mo?
alin ang nawalan ng kwenta?
ang lahat-lahat?
hindi kaya pakiramdam mo lang yan?
ang alam ko, walang ganun eh.
(yung walang kwenta ang lahat) kasi matama man
o mali may natututunan ka di ba?
so may kwenta di ba?
itulog mo muna!
(sakura)

Thursday, September 9, 2010

kala nya lang secret

oist sakura!
yung kaibigan ko may secret.
eh nalaman ko. nalaman nya na nalaman ko
kaya kinausap nya ako na isecret lang daw talaga.
ako naman sinecret ko nga pero
nalaman ko na hindi naman pala talaga secret yun.
kasi alam na ng halos lahat except lang sa
tatay nya at dalawang kapatid na lalaki so ang tanong ko.
secret pa ba yun?
(rey, 23)

hoy rey!
kung secret nya yun bakit nalaman mo?
kung alam mo na pala, bakit pinapasecret pa?
kung hindi na naman pala secret, bakit sinisecret pa?
anong meron sa tatay at sa mga kapatid bakit napakahina
naman ata pumik-up ng mga secret na si secret?
kasi kung sila na lang ang 'di nakakaalam
sa secret, malapit nang mawala ang
secret di ba? so ang tanong ko
anong secret ba yun?
(sakura)

Monday, September 6, 2010

usapang lugi

oist sakura!
ang kapal naman ng mukha nitong tiyahin ko,
sinisingil ako ng mahal sa kuryente.
nagrerenta ako ng kwartong maliit sa kanya eh,
ilaw, maliit na bentilador at charger ang gamit ko.
kapag linggo, tatlong oras lang ako nagla-laptop!
mantakin mong singilin ako ng 1/3 ng bayarin
eh napakarami nilang gamit at halos buong
gabi kung mag TV at bentilador.
nagbayad na lang ako
pero lugi ako di ba?
(chimchim, 30)

hoy chimchim!
bakit sa dami ng marerentahan eh nandiyan ka?
bakit hindi pa kasali sa renta ang kuryente?
bakit di ka na lang magdagdag ng
gamit at wag din magtipid na
gaya nila para di ka lugi?
sabagay, baka lalong tumaas ang bayarin at lalo
kang singilin ng mahal? haaay.
bakit hindi po sabihin ang
punto mo sa tiyahin mo?
boba ba sya? ahhh
kung ganun, talo
ka nga. beh!
(sakura)

Sunday, September 5, 2010

matakaw kuya ko

oist sakura!
marami kaming magkapatid
at medyo taghirap ngayon kaya
talagang hati-hati sa ulam sa bahay.
itong kuya ko, sobrang takaw naman,
higit pa sa parte nya ang kinakain kaya
tuloy yung huli sa kainan (kadalasan ako)
eh nauubusan ng ulam.
nakakainis talaga 'di ba?
anong gagawin ko?
(jonjon, 17)

hoy jonjon!
ilan kayong magkakapatid- sobrang dami ba?
ngayon lang kayo taghirap? kami mula nuon pa.
sino naghahati-hati ng ulam? tama ba pagkakahati?
kuya ba talaga yang sinasabi mo, bakit
parang bunso kung umasta?
bakit ka nahuhuli lagi sa kainan?
may mga mas mahalaga ka pa bang ginagawa?
baka akala hindi ka na kakain kaya
nanghinayang na magtira pa ang kuya mo?
pero kung dahil sa takaw lang, nakakainis nga!
ano bang dapat mong gawin?
eh 'di wag magpahuli sa
lamesa? obvious ba?
or else, haay.
(sakura)

Saturday, September 4, 2010

wrong timing lagi!

oist sakura!
nakakabadtrip ang housemate ko-wrong timing 
kapag kumakatok- laging nasa 
kasarapan kami ng ano
ng jowa ko. 
kakapagod magtapis at magpanggap
na 'di ako nagpapanic!
wag ko na batiin?
(karina, 28)

hoy karina!
bakit di mo nilalagyan ng 'do not disturb' kwarto mo?
'di kaya wala rin kayo sa oras kapag nag-aano?
malay ba ng housemate mo na nag-aano kayo?
at bakit kayo nag-aano jan?
makati na ba talaga?
bakit 'di mo naman na babatiin?
alam nya ba?
(sakura)

Wednesday, September 1, 2010

hindi namamansin

oist sakura!
hindi ako pinapansin ng bruha kong friend.
marahil kasi sinabi kong walang kwenta
ang boyfriend nya.
eh totoo naman eh, nilalandi lang sya
at inuutangan tapos hindi na
binabayaran.
kamusta naman yun?
(sha, 21)

hoy sha!
bakit gusto mong pansinin ka pa eh
tinatawag mo na nga syang bruha?
bakit nagtatanong ka pa eh ikaw naman pala
meh kasalanan?
ikaw kaya ang pagsabihan na walang kwenta
ang boyfriend, matutuwa ka ba?
pakelam mo kung inuutangan
sya at 'di binabayaran? pera mo ba yun?
malay mo yung paglalandi ang
bayad sa utang, di kaya?
kamusta ka naman?
(sakura)