Monday, October 18, 2010

ayaw i-add sa FB

oist sakura!

yung ex ko 'di pa rin ako ina-add sa FB nya.
matagal ko na alam na may FB sya at
alam nya na may FB din ako eh
bakit ayaw nya ako i-add?
(liezel, 28)



hoy liezel!
ano naman pakelam mo sa ex mo at FB nya?
kaya nga ex 'di ba, wala nang 'y' (why) pa?
eh ano kung matagal na sya may FB?
eh ano kung alam nyang may FB ka?
eh ano kung ayaw ka nya i-add?
bakit 'di na lang ikaw mag-add?
mamamatay ka ba 'pag 'di ka
in-aacept? bwahaha!
goodluck!
(sakura)

Sunday, October 3, 2010

wag daw mag wallpost sa FB nya

oist sakura!
sabi ng gelprend ko wag daw ako mag wallpost
o mag comment sa FB nya. tinanong ko bakit
sabi lang baka may magchismis o mang-asar.
so 'di na lang ako nagpaparamdam duon.
pero pwede na daw ako magmessage.
dapat ba ako matuwa na?
(raymart, 30)

hoy raymart!
gelprend mo ba talaga yan o feeling mo lang?
bakit bawal mag wallpost o magcomment?
bakit naman takot sya machismis o
ma-asar kung kayo nga talaga?
may dapat ba syang itago?
hindi kaya hindi sya kampante na ipakilala ka sa
mundo nya - mga kaibigan at kamag-anakan?
baka nahihiya lang sa ingles mo? joke!
kapag nagmessage ka naman eh sya
lang din makakabasa eh so baka
nga gusto nya sikreto ka muna.
dapat ka na ba matuwa?
ikaw? natutuwa ka ba?
san ka matutuwa eh
'di dun na lang.
bwahahaha!
(sakura)