Sunday, November 14, 2010

walang isang salita

oist sakura!

nakakainis ang partner ko sa research-
walang isang salita!
makailambeses ko na ni-postpone
ang presentation kasi makailambeses nya na rin
'di naihahatid ang mga data na kailangan
para dun! puro sorry pero mukhang 'di
naman nag-e-effort.
arrrgggh!

(dencio, 21)

-------------

hoy dencio!

bakit sya pinili mong partner?
dati ba ay ganyan din sya?
bakit ka pa umasa at nag-postpone ng
meet kung makailambeses na pala syang palpak?
'di ka pa natuto?
kapag nagkagulo-gulo dahil jaan pwede ka
rin bang mag 'sorry' na lang?
inis na inis ka na 'di ba?
galit na galit ka na 'di ba?
bosit na bosit ka na 'di ba?
pwes!'wag ka na umasa!
gawin mo na 'yan mag-isa!

(sakura)