Saturday, December 3, 2011

abnormal ba sila???

oist sakura!
abnormal ba itong mga kapitbahay ko?
(tomtom, 20)

-----------


hoy tomtom!
oo. abnormal sila.
(sakura)

Wednesday, November 30, 2011

mga rela-thieves

oist sakura!
naaawa na ko sa sarili ko.
lagi na lang akong inuutangan
(parang hinihingian na nga eh kasi
di naman nagbabayad) ng mga kamag-anak ko.
masama kayang tumanggi naman ako?
(rinalyn, 27)


---------------------


hoy rinalyn!
bakit lagi kang inuutangan, marami kang pera?
bakit di sila nagbabayad, di ka naniningil?
(at kahit di nagbayad, pinapautang mo ulit?)
bakit ka naaawa sa sarili mo, tinitipid mo ba sarili
para mapautang lang sila?
masama bang tumanggi? hindi naman siguro.
mas masama yung ganyan ka na lang habambuhay. gets?
(sakura)

Thursday, November 24, 2011

pwede ko ba syang idemanda

oist sakura!
walanghiyang babae ito
sinugod ako sa mall at hinambalos!
kasama ko ang mga kaibigan ko at ang
bagong boyprend ko. josko, nawindang
ako sa pangyayari, misis pala yun ng
boyprend ko. hindi ko alam! bozit!
hiyang-hiya ako kasi sa windang
ko 'di ako nakapanlaban, 'ni 'di
ko maubos maisip na 
nagyayari na iyon.
pinagmumura ako, kinaladkad,
sinabunutan at kung anu-ano pa!
pwede ko ba sila idemanda?
(amanda  27)

----------------------

hoy amanda!
takte naman kasing 'di mo alam na meh
tigreng asawa na pala yang binboyprend mo?
'di ba dapat matuto ka na at mag-imbestiga muna
bago sumuong sa mga ganyan?
kelan ka ba ipinanganak at 'di mo alam na
sobrang dami nang mga loko ngayon?
(kaya naman pala nagloloko ang kumag
kasi battered husband ata ---hahaha)
demanda? ano ako abogado?
malay ko...pero teka---
pinagmumura - slander ba yan?
pinagsasabunot at pinaghahambalos
at kung anu-ano pa --- 'di ba physical injury 'yan?
ang alam ko, maige na 'di ko nakita 'yaang
kinukwento mo, kundi idedemanda ko kayo!
sa panggulo nyo ang pagsa-shopping ko!
(sakura)

Saturday, November 5, 2011

inaagawan ng kaibigan

oist sakura...


bakit naiinis ako sa pinsan ko?
lahat na lang kasi ng kinakaibigan ko
ay kinakaibigan nya tapos parang
naagawan uloy ako ng kaibigan.
tama ba na 'di ko na lang sya pansinin
at mag-pokus na lang ako sa mga
kaibigan ko at iparamdam sa kanya
na 'di sya kasali sa mundo ko?


yenyen, 30


---------------

hoy yenyen!

hindi kaya masyadong matanda ka na
para sa mga selos o inggit o mga
isyung teritoryo pagdating sa
pagkakaibigan o pakikipagkaibigan?
ang alam ko sa mga dramang ganito ay
usapang pang-elementary eh...
agawan ng kaibigan? HAHAHA

hindi mo ba pwedeng pasalamatan na
lang kasi ang pinsan mo ay hindi
isnabera sa mga kakilala o mga
kaibigan mo. eh ano kung
makipag-kaibigan din sya duon?
pag-aari mo ba 'yung mga taong yun?
mahiya ka naman. teka, may takot
ka ba kasi mas maigeng kaibiganin
ang pinsan mo kesa sa iyo? at baka
mamulat sa katotohanan mga kaibigan
mo na may lahing bruha ka? (jowk)

ewan ko sa 'yo! kung sasagutin
ko lang ng diretso ang tanong mo eh eto
ang mga sagot- tanungin mo sarili mo.
at eto pa - gawin mo kung kaya mo, pero
walang sisihan kung sa huli
mag-iisa ka na lang sa
sinasabi mong mundo.

amen?

sakura

Saturday, October 29, 2011

pagod na ako

oist sakura...

hindi ba naakapagod na din na
ikaw lang ang tulong ng tulong sa iba
tapos pag ikaw ang nangangailangan
ay wala naman sila?

sam, 31


----------------


hoy sam!

bakit mo naman naitanong yan?
napapagod ka na ba sa pagtulong?
bakit ayaw mo pa tumigil?
hindi ka ba tinulungan ng iba
na sinasabi mo nung nangailangan ka?
ang tanong: nagpatulong ka ba?

sakura

Sunday, October 2, 2011

eh ano kung walang dyos

oist sakura...


tulungan mo naman ako sa aking
problema dito sa kaibigan ko.
medyo 'di ko na kasi keri 
'yung lagi nyang pagsabi
na walang dyos...
'di naman ako relihiyoso pero
katoliko ako...pero kaya ko naman
syang kaibiganin pero nakakasawa na 
'yung lagi nyang sinasabi na walang dyos
at kung anu-ano pang mga tinatanong nya
sa akin tungkol sa dyos at sa mga nasa bibliya..


samuel, 20


-----------------------------




hoy samuel!


hindi ba pwedeng pagsabihan mo nang
derecho yang kaibigan mo na 'di mo na gusto
ang lagi nyang pagbanggit at pagkwento sa'yo ng
kung anu-ano tungkol sa paniniwala nya?
kung kaibigan mo talaga sya
eh hindi 'yan mawawala sa'yo bangkus
ay mapapaisip sya ...kesa naman ikaw ang
namumrublema nang hindi nya alam 'di ba?
ano palang problema kapag tinatanong ka?
hindi ka siguro makasagot noh?
aba 'di kaya panahon na para matuto ka?
para 'di ka na matameme sa kanya?
at teka, kung naniniwala syang
walang dyos, bakit ba parang
mas lagi nya pang naiisip ang
dyos kesa sa iyo?
hmmmm...


sakura

Tuesday, September 13, 2011

parang timang na kapatid

oist sakura


parang timang ang kapatid kong ito
ano kaya pwede kong gawin para 'di ako
tuluyang mabozit sa kanya?
magaling lang magtext o tumawag kung
meh problema pero kung wala naman
eh parang invisible man...


petiks, 20




--------------------------------------------


hoy petiks!


'di kaya parang timang ka rin?
bakit mo naman pinuprublema kung
'di sya nagpaparamdam kung wala syang problema?
ayaw mo pa nyan, wala syang problema?
ano pala gusto mo, kahit masaya
tinitext at tinatawagan ka?
ah okay! ikaw yun 'di ba?
iba sya so, sorry ka na lang ha...


sakura

Tuesday, August 2, 2011

nakikipagbati kasi mangungutang

oist sakura!



hmp! walang kwenta 'tong kaibigan ko kuno
inaway ako ng todo, halos isumpa ako. .
ilang buwan ko ring iniyakan kasi
naman ---wala akong kasalanan!
at ngayo'y okay na ako.
tapos bigla bigla, marinirinig ko lang
makikipagbati raw. ha? bakit?
abah, narinig ko rin - wala na
syang ibang mauutangan at kapos na
kapos. ano sakura? batiin ko na?


(valiente, 45)


--------------------------------------------------


hoy valiente!


kung walang kwenta, bakit mo kinakaibigan?
kung pinaiyak ka, bakit oras ay iyong nilalaan?
kung halos isumpa ka, bakit anjan pa sa isipan?
ayan tuloy, ako'y napatula na lang!
ngayong alam mo na, anong balak pa?
makipagbati para mautangan na?
ewan ko sa'yo, ewan kung addict ka
o tunay na nagmamahal lang sa tanga...
ikaw? anong gusto mo? bati na talaga?
ay! mag isip ka kaya muna---
sya ba'y sa iyo, ganon kahalaga?
ikaw ba'y siguradong may ipapautang pa?


sakura

Thursday, July 28, 2011

wala akong pamusta

oist sakura!

nakakalungkot naman.
wala akong pamusta sa sabong.
anlaki rin ng mapapanalunan sakali.
may pera ka ba diyan?

(goryo, 42)

-----------------

hoy goryo!

nalulungkot ka kasi wala kang pamusta?
kamusta naman 'yan, samantalang
ang iba nalulungkot kasi
walang makain.
ano bang meron sa sabong na yan
at nahuhumaling kayo?
ang alam ko napakaraming maybahay ang
naiinis kasi una nyo pang hinihimas ang manok
kesa sa kanila. haysabagay, 'di mo naman
pwedeng isabong ang maybahay mo
at kainin kapag natalo 'di ba?
wala akong pera!
at kahit meron, bakit ko naman ipupusta?
eh kung natalo? boozet!

(sakura)

Monday, June 20, 2011

mamatay na 'ata ako

oist sakura!
mamatay na 'ata ako.
andami kong naiisip at nararamdaman sa
katawan ko na parang mga senyales
na ng aking katapusan!
waaaahhhh!!!
(sally, 30)


-------------


hoy sally!
pa'no mo naman nasiguro na ang mga nararamdaman mo
ay mga senyales na? namatay ka na ba dati?
pa'no mo naman napagtanto na 'yan
na nga ang ending ng mga
senyales kamo?
ano ba ang maige, mag depres-depresan
ka sa nararamdaman mo o mamuhay
ng buo para naman 'pag nadeado
ka eh may kwenta kahit papano?
isa pa, dyos ka ba?
linshak naman...
pwede ba, iba naman ang problemahin mo?
'yang hindi loka-lokang utak mo ang dahilan o solusyon!
kuha mo?!
(sakura)

Monday, June 6, 2011

bozit na SSS yan!

oist sakura!
bozit na bozit ako sa SSS.
tatlong beses na ako pbalik-balik dun para mag apply
ng salary loan tapos kanina-kanina ko lang
talaga nalaman kung kelan tumawag na
lang ako, na meh problema pala
sa pag-encode ng data ko!
anak ng tinapa naman at nung tinanong ko
kung kelan ako pwede makapag loan eh
sinagot ba naman ako ng apat hanggang
limang buwan!
arrrrggghhh!
(namber39, 24)


hoy namber39!
at bakit dito ka nagwawala, SSS website ba ito?
at bakit pinaabot mo pa ng tatlong beses ka bumalik bago
ka nagtanong kung ano talaga ang problema?
ano ba talaga ang problema?
hindi mo pa ba pinaabot ang galit mo sa inyong kumpanya?
kung ipinaabot naman, wala ka bang balak magwala
para madaliin nila? samtayms it werks dir!
tadtarin mo kaya ng tawag hanggang
maubos ang load mo para makulitan sa 'yo...
dalawa lang naman papupuntahan nyan eh
ang madaliin nila o itapon nila ang
application form mo LOL
wag naman sana.
sya! gudlak na lang!
(sakura)

Thursday, April 28, 2011

manigas sya

oist sakura!
dapat ba ako makunsenysa?
nainlove ako sa friend ko na may gelprend
na pero 'di na naman sya gaanong
pinapansin nung gelprend nya ewan bakit.
kasalanan ko bang mainlove ako sa kanya?
kasalanan ko bang mainlove sya sa akin?
kami na ng friend ko at sigurado ako
wala na sila ng gelprend nya kasi
'di na nga nagkocommunicate 'diba?
so may kasalanan ako?
sa palagay ko wala! wala! wala!
(kompyuzd, 27)

hoy kompyuzd!
dapat ka ba makunsenysa na nainlove ka?
kasalanan mo bang mainlove ka sa kanya?
kasalanan mo bang mainlove sya sa 'yo?
'di na nga nagkocommunicate 'diba?
so may kasalanan ka?
sa palagay ko wala! wala! wala!
pero siniguro mo na ba?
mahirap magpunas ng dugo kapag
nagkagulo gulo na!
(sakura)

Sunday, February 27, 2011

walang makain pero may pamparebond

oist sakura!
parang ang OA naman nitong tita ko.
nagdadrama na sobrang hirap na ng buhay
at halos wala na syang makain pero
nung isang araw nakita ko naman
na nagpa footspa at nakapag
parebond pa ng buhok!
pweh!
(paz, 23)

hoy paz!
ikaw ba dinadramahan ng tita mo?
hinihingan ka ba ng pagkain?
kung hindi naman, ano inaangal mo jaan?
napagod ka lang ba kakapakinig?
eh 'di 'wag mo pakinggan!
nag aalala ka ba sa gastos nya?
eh 'di 'wag ka mag alala!
naiinggit ka ba kasi 'di ka makapagpa footspa
at makapag parebond ng buhok kasi inuuna
mo pa pagkain mo kesa sa mga 'yun?
abah, kung nais mong tumulad
sa kanya- go! para magduet
na kayo sa pagdadrama...
oh, ha?
(sakura)

Monday, February 14, 2011

echuserang hippo

oist sakura!
una hindi ko naman ka-close itong
echuserang ito. hamak na sidekick
lang siguro sya ng isa kong kakilala.
bakit kung mag-react eh parang
napakaraming alam sa world???
at kung makaasta eh kala mo
sundalong na warshock???
makealam ba sa usapan ng iba?
makegalitgalitan ba sa isyung
mukhang 'di naman sya kasali???
KSP ba itez?
(mcdogurl, 28)





hoy mcdogurl!
bakit ba pinag-aaksayahan mo ng panahon
ang echuserang ito kung 'di mo naman feel?
bakit ka ba affected sa kanyang pangengelam?
kasali ka ba sa isyung sinisingitan nya?
baka naman masyadong pamoso ang isyung
ito at nakikiambon lang sya ng limelight...
hindi kaya? weh, baka nga! kawawa naman.
pa'no naman naging warshock? bukod sa
nangengealam ba eh nang aaaway pa?
josko! ang extra gusto bumida?
eh kung ganun, ano ba ang dapat gawin---
ang patuloy na mainis at patulan sya
o putulin ang kanyang pangarap na
sumikat??? papano??? alam mo na yan!
(sakura)

PS. bakit echuserang hippo ang tawag mo
sa kanya dito? tama bang iassume ko na
mukha syang hippo? haroooojosko!

Saturday, February 5, 2011

naghahanap ng sariwa

oist sakura!
baka naman may mairerekomenda ka sa akin
na tsiks. mga ilang buwan na rin kasi
akong tigang at 'di nakakaano...
gusto ko medyo sariwa
mas mabilis uminit eh
kapag ganun.
meron?
(dany, 35)

hoy danny!
sa edad mong 'yan wala ka pang matinong
asawa? abah eh 'di na rin ako magtataka
kung ganun, sa libog mo ba naman?
namimili ka pa ng sariwa ha 'kala mo
napakayaman at napakabango
mo pa. bakit ko alam na hindi???
josme, kung mayaman at mabango ka
eh 'di sana 'di ka sumusulat at naghahanap
ngayon, 'di ba?at anong tingin mo sa akin bugaw?
tumigil ka nga at umayos sa buhay para naman normal
kang lapitan ng matino, 'di yang puro libog laman ng utak mo.
'di ka na bumabata koyah, magbago ka na!
(sakura)

Wednesday, February 2, 2011

maibabalik ko pa kaya?

oist sakura!

yung bespren ko ‘di na ako pinapansin.
nagalit ata sa ‘kin kasi meh gusto nalaman nya
na kapwa babae na ang gusto ko.
pa’no na yan, wala na bang paraan para
maibalik pagkakaibigan namin?
sayang naman.
(marshmallow, 28)



hoy marshmallow!
sapat ‘bang dahilan na itakwil ka ng kaibigan ang
pagkakaroon ng puso para sa kapwa babae?
wala na kayang ibang malalim lalim na
dahilan ang pag-iwas o ‘di papansin sa’yo?
gaano ba kahalaga ang pagkakaibigan ninyo para sa ‘yo?
wala ka na bang ibang maisip na paraan
upang maibalik ang pagkakaibigan nyo
kundi ang magtanong dito?
subukan mo kaya syang tanungin ng derecho?
siguradong handa ka ba sa sagot?
lalong sayang na kung hindi ka
gagawa ng hakbang…
(sakura)

Thursday, January 20, 2011

tomboy pala ang gusto

oist sakura!
naimbyerna naman ako sa kaibigan ko
ipinagtanggol ko na at lahat kasi
inaaway ng ex-boyprend nya
at ngayon ay hinanapan
ko ng lalaking tunay na
makakapagpaligaya sa kanya.
josko! nalaman laman ko na lang
sa tomboy sya napunta!
ano ba yan?!
(jaylo, 30)

hoy jaylo!
hiniling ba ng kaibigan mo na
ipagtanggol sya sa nang-aaway na
ex-boyprend nya?
hiniling din ba nya sa'yo na ihanap
sya ng lalaking tunay na
makakapagpaligaya sa kanya?
kung hindi naman eh wag ka na
umangal pa, may balak na naman pala
sya sa buhay nya eh.
paano mo nalaman na sa tomboy napunta?
hindi na ba kayo nag-kakausap?
hindi na ba kayo magkaibigan?
ay, yan ang problema...
(sakura)

Monday, January 10, 2011

new year na, ganun pa rin

oist sakura!
wala rin namang kwenta ang new year!
wala namang nagbago!
ganun at ganun pa rin lahat!
nakakabwisit ang buhay!
walang pera lagi!
pweh!
(tado, 34)

hoy tado!
tarantado ka pala eh...
new year na new year puro nega ka!
may nagawa ka bang may kwenta para magka
kwenta ang new year na ito sa buhay mo?
may nagawa ka bang effort para may
magbago naman sa buhay mo?
ano bang yang nambobozit sa 'yo at
parang adik na adik sa ganyan?
itapon mo na yan!
bakit ka wala laging pera?
teka, may trabaho ka ba?
may negosyo ka ba?
may mana o pensyon ka ba?
kung wala, anong inaangal mo?
eh 'di magsumikap ka! tado ka!
(sakura)