Thursday, January 20, 2011

tomboy pala ang gusto

oist sakura!
naimbyerna naman ako sa kaibigan ko
ipinagtanggol ko na at lahat kasi
inaaway ng ex-boyprend nya
at ngayon ay hinanapan
ko ng lalaking tunay na
makakapagpaligaya sa kanya.
josko! nalaman laman ko na lang
sa tomboy sya napunta!
ano ba yan?!
(jaylo, 30)

hoy jaylo!
hiniling ba ng kaibigan mo na
ipagtanggol sya sa nang-aaway na
ex-boyprend nya?
hiniling din ba nya sa'yo na ihanap
sya ng lalaking tunay na
makakapagpaligaya sa kanya?
kung hindi naman eh wag ka na
umangal pa, may balak na naman pala
sya sa buhay nya eh.
paano mo nalaman na sa tomboy napunta?
hindi na ba kayo nag-kakausap?
hindi na ba kayo magkaibigan?
ay, yan ang problema...
(sakura)

Monday, January 10, 2011

new year na, ganun pa rin

oist sakura!
wala rin namang kwenta ang new year!
wala namang nagbago!
ganun at ganun pa rin lahat!
nakakabwisit ang buhay!
walang pera lagi!
pweh!
(tado, 34)

hoy tado!
tarantado ka pala eh...
new year na new year puro nega ka!
may nagawa ka bang may kwenta para magka
kwenta ang new year na ito sa buhay mo?
may nagawa ka bang effort para may
magbago naman sa buhay mo?
ano bang yang nambobozit sa 'yo at
parang adik na adik sa ganyan?
itapon mo na yan!
bakit ka wala laging pera?
teka, may trabaho ka ba?
may negosyo ka ba?
may mana o pensyon ka ba?
kung wala, anong inaangal mo?
eh 'di magsumikap ka! tado ka!
(sakura)