Saturday, October 29, 2011

pagod na ako

oist sakura...

hindi ba naakapagod na din na
ikaw lang ang tulong ng tulong sa iba
tapos pag ikaw ang nangangailangan
ay wala naman sila?

sam, 31


----------------


hoy sam!

bakit mo naman naitanong yan?
napapagod ka na ba sa pagtulong?
bakit ayaw mo pa tumigil?
hindi ka ba tinulungan ng iba
na sinasabi mo nung nangailangan ka?
ang tanong: nagpatulong ka ba?

sakura

Sunday, October 2, 2011

eh ano kung walang dyos

oist sakura...


tulungan mo naman ako sa aking
problema dito sa kaibigan ko.
medyo 'di ko na kasi keri 
'yung lagi nyang pagsabi
na walang dyos...
'di naman ako relihiyoso pero
katoliko ako...pero kaya ko naman
syang kaibiganin pero nakakasawa na 
'yung lagi nyang sinasabi na walang dyos
at kung anu-ano pang mga tinatanong nya
sa akin tungkol sa dyos at sa mga nasa bibliya..


samuel, 20


-----------------------------




hoy samuel!


hindi ba pwedeng pagsabihan mo nang
derecho yang kaibigan mo na 'di mo na gusto
ang lagi nyang pagbanggit at pagkwento sa'yo ng
kung anu-ano tungkol sa paniniwala nya?
kung kaibigan mo talaga sya
eh hindi 'yan mawawala sa'yo bangkus
ay mapapaisip sya ...kesa naman ikaw ang
namumrublema nang hindi nya alam 'di ba?
ano palang problema kapag tinatanong ka?
hindi ka siguro makasagot noh?
aba 'di kaya panahon na para matuto ka?
para 'di ka na matameme sa kanya?
at teka, kung naniniwala syang
walang dyos, bakit ba parang
mas lagi nya pang naiisip ang
dyos kesa sa iyo?
hmmmm...


sakura