Wednesday, November 30, 2011

mga rela-thieves

oist sakura!
naaawa na ko sa sarili ko.
lagi na lang akong inuutangan
(parang hinihingian na nga eh kasi
di naman nagbabayad) ng mga kamag-anak ko.
masama kayang tumanggi naman ako?
(rinalyn, 27)


---------------------


hoy rinalyn!
bakit lagi kang inuutangan, marami kang pera?
bakit di sila nagbabayad, di ka naniningil?
(at kahit di nagbayad, pinapautang mo ulit?)
bakit ka naaawa sa sarili mo, tinitipid mo ba sarili
para mapautang lang sila?
masama bang tumanggi? hindi naman siguro.
mas masama yung ganyan ka na lang habambuhay. gets?
(sakura)

Thursday, November 24, 2011

pwede ko ba syang idemanda

oist sakura!
walanghiyang babae ito
sinugod ako sa mall at hinambalos!
kasama ko ang mga kaibigan ko at ang
bagong boyprend ko. josko, nawindang
ako sa pangyayari, misis pala yun ng
boyprend ko. hindi ko alam! bozit!
hiyang-hiya ako kasi sa windang
ko 'di ako nakapanlaban, 'ni 'di
ko maubos maisip na 
nagyayari na iyon.
pinagmumura ako, kinaladkad,
sinabunutan at kung anu-ano pa!
pwede ko ba sila idemanda?
(amanda  27)

----------------------

hoy amanda!
takte naman kasing 'di mo alam na meh
tigreng asawa na pala yang binboyprend mo?
'di ba dapat matuto ka na at mag-imbestiga muna
bago sumuong sa mga ganyan?
kelan ka ba ipinanganak at 'di mo alam na
sobrang dami nang mga loko ngayon?
(kaya naman pala nagloloko ang kumag
kasi battered husband ata ---hahaha)
demanda? ano ako abogado?
malay ko...pero teka---
pinagmumura - slander ba yan?
pinagsasabunot at pinaghahambalos
at kung anu-ano pa --- 'di ba physical injury 'yan?
ang alam ko, maige na 'di ko nakita 'yaang
kinukwento mo, kundi idedemanda ko kayo!
sa panggulo nyo ang pagsa-shopping ko!
(sakura)

Saturday, November 5, 2011

inaagawan ng kaibigan

oist sakura...


bakit naiinis ako sa pinsan ko?
lahat na lang kasi ng kinakaibigan ko
ay kinakaibigan nya tapos parang
naagawan uloy ako ng kaibigan.
tama ba na 'di ko na lang sya pansinin
at mag-pokus na lang ako sa mga
kaibigan ko at iparamdam sa kanya
na 'di sya kasali sa mundo ko?


yenyen, 30


---------------

hoy yenyen!

hindi kaya masyadong matanda ka na
para sa mga selos o inggit o mga
isyung teritoryo pagdating sa
pagkakaibigan o pakikipagkaibigan?
ang alam ko sa mga dramang ganito ay
usapang pang-elementary eh...
agawan ng kaibigan? HAHAHA

hindi mo ba pwedeng pasalamatan na
lang kasi ang pinsan mo ay hindi
isnabera sa mga kakilala o mga
kaibigan mo. eh ano kung
makipag-kaibigan din sya duon?
pag-aari mo ba 'yung mga taong yun?
mahiya ka naman. teka, may takot
ka ba kasi mas maigeng kaibiganin
ang pinsan mo kesa sa iyo? at baka
mamulat sa katotohanan mga kaibigan
mo na may lahing bruha ka? (jowk)

ewan ko sa 'yo! kung sasagutin
ko lang ng diretso ang tanong mo eh eto
ang mga sagot- tanungin mo sarili mo.
at eto pa - gawin mo kung kaya mo, pero
walang sisihan kung sa huli
mag-iisa ka na lang sa
sinasabi mong mundo.

amen?

sakura