Thursday, December 26, 2013

pesteng linta

oist sakura!

badtrip 'tong kasamahan ko ha.
ibinigay ko sa kanya hati ko sa bayad ng
ilaw at tubig pero nalaman ko na ilaw lang
binayaran nya at sinabi sa meh-ari 
ng bahay na nirerentahan namin
na wala pa raw pambayad sa
tubig. bonggang kawatan!

(ayeh, 28)

-------------------------

hoy ayeh!

baka naman hiniram lang...
bakit 'di mo kausapin at itanong
kung ano talaga ang nangyari?
teka, bakit nga pala hindi
rin sinabi sa 'yo?
aba, baka naman ikaw na isinumbong
nyan na 'di nagbayad, lagot ka!
'wag mo na patagalin pa!
pwede mo rin naman kausapin ang
meh-ari 'di ba? go! now na!

(sakura)

Sunday, November 24, 2013

ang daya nya

oist sakura!
ang daya naman ng dating jowa ko.
buntis na pala 'di man lang ako sinabihan.
wala naman akong masamang nais
okay lang sana na nabati ko sya
ng congrats 'di ba?
(elmer, 35)


hoy elmer!
laro ba yan at may daya daya ka pang nalalaman?
eh ano kung buntis sya, ikaw ba ang ama
at kailangan ay malaman mo agad?
nais mo lang bumati ng congrats?
susme, eh 'di mag congrats ka!
para namang bawal na bumati kapag malaki na ang
tyan o kahit pa nailabas na ang bata!
ano ba talaga problema mo?
okay ka lang? bitter!
(sakura)

Wednesday, October 23, 2013

pakelamerang ex

oist sakura!
haleeer! ganyan ba talaga kayo mga babae?
kahit ex na eh nangengealam pa?
itong ex ko, in-add ko lang sa
FB kasi nag request pero josko
pinakekelaman ba naman mga posts ko.
reak to da max sa mga lakad ko
at mga drama ko sa buhay!
hay kabozit!
(toper, 26)


hoy toper!
haleeer! bakit nadamay lahat ng babae sa inis mo
jaan sa bruhang ex mo? lahat ba ng
babae ay kagaya nya? nanay at mga kapatid mo
ganyan din ba? pwes! hindi ako!
bakit mo naman kasi in-add kung alam mo
namang mapang-reak sya?
bakit 'di mo na lang tapatan ang mga
posts nya (wala bang sample?) ?
bakit 'di mo na lang i-hide sa
kanya ang wallposts mo?
sus! dami pwede gawin
kesa mabozit! bozit!
(sakura)

Thursday, September 12, 2013

lahat sila mala-artista

oist sakura!
natatakot na ako sa trip nitong ate ko ha.
namimili ng kakaibiganin, narinig ko
kagabi sinabi nya sa  kaibigan
nya, gusto nya raw lahat ng
kaibigan nya mala-artista
sa ganda. anong klaseng
trip ba naman yan?
(manding, 21)

hoy manding!
bakit ka naman natakot sa drama ng ate mo?
bakit ka nakikinig sa usapan ng iba?
bakit naman puro mala-artista
daw ang gusto nya?
sya rin ba ay mala-artista sa ganda?
bakit 'di mo na lang sya hayaan
sa trip nya? baka lilipas din
yan. ang mga ganyang trip
ay 'di naman nagtatagal
eh. maniwala ka!
kaibigan nya
ako :)
(sakura)

Thursday, August 8, 2013

buhay ko 'to

oist sakura!
nakakapagod na talaga.
parang walang pagbabago sa buhay ko.
ayoko na magtrabaho kasi parang
wala ring kwenta eh.
wag na lang din sana ako pagpayuhan
at pakialaman ng mga kaibigan ko.
buhay ko naman 'to eh.
(patpat, 34)

hoy patpat!
bakit ka napagod na talaga?
mula ba pinanganak ka eh grabe hirap buhay mo?
baka naman mula lang ng magkaloko loko
buhay mo? may sampung taon na?
bakit walang pagbabago sa buhay mo?
sino ba dapat ang gumawa ng pagbabago sa buhay mo?
meron ka pa bang inaasahang iba bukod sa sarili?
paano na ang ibang mga pangangailangan
mo kapag ayaw mo na magtrabaho?
hindi ka naman siguro disabled?
hindi ka rin naman bobo?
anong kinalaman  ng pagpapayo at
pakikialam ng mga kaibigan mo sa
estado mo ngayon? na mukha
namang 'di ka rin nakikinig.
buhay mo nga iyan kaya
ayusin mo mag-isa!
(sakura)

Friday, July 26, 2013

di makatanggi sa alak

oist sakura!

kung susumahin, mabuting tao naman ako
pero bakit ganun,
di ako makatanggi sa alak?
minsan hinahanap-hanap ko pa.
parang kulang ang linggo kapag di ako
nakakainom. may kung anong
kalayaan akong nararamdaman
kapag lasheng ako.

(dodong, 38)

============

hoy dodong!

ay nagtanong ka nga- ikaw lang din naman sumagot.
kaya ka di makatanggi sa alak kasi
kulang ang linggo mo kung di ka iinom (ng alak).
at may kung anong kalayaan kang
nadarama kapag lasheng ka. eh di yan!
siguruhin mo lang na wala kang mga
binobozit na kasambahay o kapitbahay kapag lasheng ka.
baka makakita ka ng katapat, kawawa ka.

(sakura)

Monday, July 22, 2013

walang panukli lagi

oist sakura...

kabozit naman ang tindero ng kantin.
lagi na lang walang panukli eh
dapat sila na naghahanda nyan!
alangan naman 'di na lang ako
kumain kasi wala syang pambarya
tapos male-late na ako!

tomjones, 18

---------------------

hoy tomjones!

gaano ba naman kasi kalaki nyang pera mo?
kung lahat puro isanlibo ang dala, 
'di ka ba maaawa sa tindero ng kantin nyo?
bakit naman kasi wala kang barya lagi?
'di ba mas maige maghanda ka na
lang din kung lagi syang ganyan?
payag ka bang araw-araw
male-late ka dahil jan?

sakura

Friday, July 12, 2013

abnormal daw anak ko

oist sakura...

nalungkot at nainis naman ako 
sa mga narinig kong bulong-bulungan.
abnormal daw anak ko.
eh hindi naman, malikot lang talaga sya.
at baka kakaiba lang sa ibang bata.
patulan ko na?

mariel, 30


-------------------


hoy mariel!

ano bang ibig sabihin ng 'abnormal' talaga?
eh 'di ba 'kakaiba' sa normal? eh ikaw
na nagsabi na kakaiba ang anak mo 'di ba?
bakit ka nalulungkot? 
bakit ka naiinis?
bakit mo pa papatulan?
abnormal ka ba?

sakura

Sunday, June 30, 2013

panget daw ako

oist sakura!

boypren ng kasamahan ko sa boarding house pinaringgan ako.
sabi pa 'kung sino pa daw panget, sya pang suplada'.
matangkad nga sya pero 'di naman sya
kagwapuhan, kagaguhan kamo! lagi dito sa boarding house
nakikikain, nakikitulog at nag-iingay na parang taga-dito din.
aber, pa'no ako 'di magsusuplada at
'di papangit kung sa araw araw na ginawa
ng bathala eh nandun sya?

(marla, 35)

==============

hoy marla!

nakita ko ang picture na nilakip mo dito,
'di ka naman pangit ah
medyo maitim ka nga lang pero balanse ang mukha mo---
ilong, mata, bibig at pisngi at makinis isken
inpernez! (ayan ha, duda ka pa ba?)
hindi kaya KSP lang yun?
baka kaya meh gusto 'syo? wag mo na patulan!
(o kaya patulan mo kapag kayo lang bwahahahaha)
kawawa naman- namumulubi siguro...
walang ibang makainan? (kunyari pa sweet lang na gusto sabay)
walang matirhan? (baka pinambili ng yosi at alak ang pang renta)
walang pinag-aralan? (baka bobo lang talaga, meh ganun eh)
walang maayos na patnubay ng magulang? (wala akong mailagay dito)
pagsabihan mo---wala naman syang karapatang
maglagi duon at magdemand or mag expect pa ng kindness di ba?
kapag umalma yung kasamahan mo (yung ugok na gelpren),
bigyan mo ng mag-asawang irap!
pati ata tuloy ako biglang nabozit sa sitwasyon mo!
baka ako pumangit nito! tse!

(sakura)

Tuesday, June 25, 2013

gusto kong yumaman

oist sakura!

nakakapagod na maging mahirap.
hanggang kelan kaya ako ganito?
gusto ko nang yumaman!
paano ba?

(estong, 22)

==============

hoy estong!

ano ba ginagawa ng mahirap at laging pagod?
ano ba ibig sabihin ng 'mahirap' -
walang makain? walang matirhan?
laging walang pera?
ako ba pinariringgan mo?
hanggang kelan? naku, yan ang hindi ko alam.
ano na ba nagawa mo para maiba naman
ang takbo ng buhay?
paano ba yumaman? aba ewan din.
kung alam ko lang, eh 'di sana mayaman na ako.
ano ba ang 'mayaman' -
maraming pagkain? maraming tirahan?
laging maraming pera? parang ayoko nyan.
pero sakaling malaman mo ang sagot, ang paraan,
ibabahagi mo ba dito?

(sakura)

Monday, June 17, 2013

titser ko di marunong magturo

oist sakura!

titser ko di marunong magturo.
nakakabozit.
pwede ba syang ipatanggal?

(cherry, 23)

-------------

hoy cherry!

23 ka na nag-aaral ka pa?
bakit di ka pa grumadweyt at naging titser din
kung feeling mo napakagaling mo?
pwede namang ipatanggal yan kung may basehan
ka talaga pero duda ko tamad ka lang
at maaring di ka nya paborito
kaya di mo rin sya gusto.

(sakura)

Wednesday, May 22, 2013

gaga ako

oist sakura!

gaga ako, ayan buntis...
'di ko pa natapos pag-aaral ko.
ang masakit pa, meh asawa yung boyprend ko
at parang meh anak din sa iba pang mga babae.
paano na ako?

(rina, 22)

==========

hoy rina!

gaga ka nga.
hindi lang dahil nabuntis ka kundi dahil nagpadala
ka sa tawag ng laman eh di ka pa naman pala kasal.
at josko sa meh asawa pa at sa meh anak sa MGA iba?
napakasarap nya ba at 'di mo matanggihan?
hindi ka naman siguro pinagsamantalahan 'di ba?
wala ka bang nakitang maige-ige?
paano ka na? as in nagtanong ka pa?
eh 'di syempre pangatawanan mo na 'yang
kagagahan mo. siguro naman meh takot ka pa sa dyos
kahit kinalimutan mo sya nung sarap na sarap kang ginagawa yan.
alagaan mo yan hanggang mailabas sa mundo...
kung makakahingi ka ng tulong sa ama nyan, subukan mo
pero utang na loob, wag kang umasa!
nasa edad ka na rin para dumiskarte para sa inyong mag-ina.
nariyan na yan eh. paghandaan mo na lang
kinabukasan ninyong dalawa... at payo lang ha---
tama na kagagahan! magpakatino ka na!

(sakura)

Friday, May 17, 2013

hanggang leeg na trabaho ko

oist sakura!

hirap na ako ha.
hanggang leeg na trabaho ko.
araw-araw na lang ganito.
may katapusan pa ba 'to?

(adam, 29)

============

hoy adam!

oo na hirap ka na, pero
mas mahirap yung walang trabaho di ba?
ay oo, araw-araw na yan lalo na
kung:
1. mas marami ka pang dada kesa sa gawa...at
2. sinasadya mo paramihin para feeling mo dakila ka
may katapusan pa kaya iyan?
esep esep.

(sakura)

Sunday, May 5, 2013

di kagandahan nag iinarte

oist sakura!

hmp! 'tong kaklase ko nag-iinarte
'di naman kagandahan!
wala syang karapatan noh?

(lily, 17)

============

hoy lily!

ano ba pakelam mo sa kaklase mo?
ano bang pinag-iinartehan nya?
ano bang 'kagandahan' para sa 'yo?
ikaw, kagandahan ba?
pa'no ka nagkaroon ng karapatan na alisan
ng karapatan ang isang di-kagandahan (sabi mo lang)
na mag-inarte?!

(sakura)

Wednesday, April 24, 2013

ako na lang lagi

oist sakura!

bakit ganito nanay ko at ate ko
at kuya ko? wala nang nakita kundi ako!
wala na ata akong tamang ginawa.
lumayas kaya ako?

(gabby, 16)

=============

hoy gabby!

bakit ganyan ka? wala ka nang nakita
kundi nanay at ate at kuya mo!
wala na ba silang ginawang tama?
pasalamat ka nga nakikita ka nila at siguro nais
maituwid ang pagkabaluktot mo.
makinig ka na lang at subukang kumilos ng wasto.
lalayas ka? san ka pupunta? san ka kukuha ng kakainin mo?
di ka ba mahihiyang magpalaboy-laboy o makituloy
(pasampid sampid) sa kung saan-saan, sinu-sino?
kumain ka kaya muna baka gutom lang yan!
ligpitin mo pinagkainan mo ha,
baka mapagalitan ka na naman.

(sakura)

Friday, April 19, 2013

epal na housemate

oist sakura!

ang epal ng housemate ko!
sinabi sa roommate ko na di sya kumportable kapag 
sa kin natutulog jowa ko gabi-gabi. bakit  ko naman kelangan
magpaalam sa kanya, di naman sa kwarto nya natulog?
sa isang bakanteng kwarto naman, pakelam nya?

(magda, 27)

================

hoy magda!

sino nagpapatulog ng jowa sa bakanteng kwarto?
wala bang murang motel, este, matutulugan sa malapit?
sa 'yo din ba yung bakanteng kwarto? kung sa 'yo okay lang ah.
di naman siguro dapat maging ganun ka hindi-kumportable,
ilang gabi lang naman di ba? teka, gabi gabi ba?
so jaan din jumijingle, umeebak, naliligo, kumakain atbp?
ay, di ba dapat nagpaalam ka rin sa iba kung ganon?
nakialam ba o nagpahiwatig lang na 'di kumportable?
baka madre ang housemate mo? baka titser? baka  inggit?
kung ikaw ang nagpatulog ng iba gabi gabi sa kwartong di sayo
sa bahay na may iba pang nakatira, sinong epal?

(sakura)

Monday, April 1, 2013

wala daw pambayad ng renta

oist sakura!

ilang buwan ko na sinisingil 'tong mga umuupa sa min
pero wala daw pambayad.
grabe naman, dati pinatira ko sila nang walang advance
o deposit kasi naawa ako pero parang sobra na to ah
pati buwanang renta di nila magawan paraan.
paano na ito?

(delilah, 42)

===========

hoy delilah!

bakit mo kasi pinatira ng walang deposit o
advance eh di talo ka ngayon?
nagnenegosyo ka ba o nagpapatakbo ng ampunan?
paano? eh di paalisin! sus! siguro naman matatanda na
yang mga yan para dumiskarte noh?
pwede ba akong umupa sa inyo?

(sakura)

Friday, March 22, 2013

'di na masaya sa trabaho

oist sakura!

hindi na talaga ako masaya sa trabaho ko.
as in hindi na talaga!
magresign na kaya ako?

(jinkee, 34)

============

hoy jinkee!

ano ba trabaho mo?
ano bang trabaho ang pwedeng laging magpasaya?
kaya nga 'job' ang tawag jan eh, gaya nung 'b-job' - 'di sya masaya!
(natutuwa lang yung ginagawan, hmp!)
pag-apply mo ba meh nakalagay ba sa kontrata na
pasasayahin ka ng kompanya?
sa palagay ko, WALA!
ikaw lang pwedeng makagawa nung para sa sarili mo noh!
subukan mo kayang imajinen na gaya ka nung ibang
na hanggang ngayon eh below minimum kinikita at pati katawan
bugbog na kakatrabaho eh 'di pa rin kasya?
resign? mabuti pa!
para mapalitan yang pwesto mo ng sinumang mas nangangailangan
ng pasweldo, masaya man o hindi.
bwahahaha!!!

(sakura)

Thursday, March 14, 2013

pinapalayas ng lasenggong ama

oist sakura...

anong gagawin ko dito
sa tatay ko na laging naglalasing
at pinapalayas ako lagi sa bahay? 

mc arthur, 26

==============

hoy mc arthur!

sino bang bumibili ng alak, ikaw?
sino bang nahihilo kapag nalalasing, ikaw?
kaninong bahay ba 'yan, sa 'yo?

ah hindi ikaw ang bumibili?
ah hindi ikaw ang nahihilo?
ah hindi ikaw ang  may-ari ng bahay?
ano inaangal mo jan?

naiingayan ka?
naiiinis ka kapag pinapalayas ka?
eh bakit ba ayaw mo ring lumayas?
tapos kapag 'di kinaya eh- mag "i shall return" na lang?
'di mo pa kaya 'noh?
pwes! magtiis ka!

sakura

Tuesday, March 12, 2013

nakakainis ang kabaitan

oist sakura!

itong kaibigan ko sobrang bait
kahit inaapi na sya eh nginingitian at
kinakausap pa nya ang umaapi sa kanya.
nakakainis 'di ba?

(poxy, 18)

==============

hoy poxy!

nakakainis nga 'yun, lalo na kung ako
yung umaapi hahaha.. 'di ba kapag nang-aapi ka
gusto mo umiyak at 'di na mamuhay ng normal ang
inaapi mo? pero itong kaibigan mo, meh magic
nakakayanan nya yun?
hmmm.

(sakura)

Friday, February 22, 2013

bobong sikat

oist sakura!

medyo nakakasama ng loob.
bakit itong bobong kakilala ko eh
patuloy ang pagsikat?

(echo, 25)

===============

hoy echo!

kakilala mo lang o kaibigan?
di kaya dapat matuwa ka na lang kasi kahit
bobo sya (sabi mo) eh sumisikat sya?
baka naman naiinggit ka kasi (feeeling mo)
matalino ka pa sa kanya pero di ka sikat?
baka naman magaling talaga dumiskarte?
magpaambon ka na muna ng kasikatan
habang di mo pa panahon.

(sakura)

Thursday, February 14, 2013

maganda pero walang boyprend

oist sakura!

'di sa pagmamayabang ha, maganda naman talaga ako.
lagi nga akong nananalo sa beauty contest eh pero
bakit ganun? wala pa akong boyprend.
bakit walang nanliligaw sa akin?
samantalang yung mga pangit dito eh
ang gaganda ng lovelife.

(mariafe, 19)

=============

hoy mariafe!

o sya, maganda ka na at laging nananalo sa
mga beauty contest pero ang tanong, charming ka ba?
matalino (kahit smart lang ng konti) ka ba?
kasi naman, kapag maganda ka lang- sipol at pagnanasang
ikama lang ang aabutin mo sa mga lalaki.
bakit 'di kaya pag-isipan mo ulit?
kung bakit ang mga pangit (sa opinyon mo) sa paligid mo
ay namumulaklak ang lovelife at ikaw ay itlog.
'di kaya wala kang kwentang kausap?
minsan kasi wala sa pagandahan eh,
nasa pasarapan (kakwentuhan) !!!
teka, naliligo ka ba lagi?
teka ulit, isyu ba talaga ang walang boyprend?
mag gelprend ka kaya? (dyok!)

(sakura)

Monday, February 4, 2013

lagot sa kin ang ama nito

oist sakura!

hayop talaga ama nitong anak ko
hinihingan ko ng pera pampacheck up kasi laging
meh sakit anak namin, tinanong pa ako at hiningan ng
kung anu-ano na parang walang tiwala sa akin.
pag may masamang nangyari sa anak ko, lagot sya!
tama lang na sya sisihin ko di ba?

(lovely, 23)

===========

hoy lovely!

kung hayop ang ama nyan, hayop din anak nyo?
pumapatol ka sa hayop? ew!
gaano ba kalaki kasi hinihingi mo para mag-react
ang hayop (sabi mo) na ama nyan?
parang walang tiwala, o walang tiwala talaga?
baka naman kasi dati naisahan mo na sya?
bakit sya malalagot pag may masamang nangyari sa anak nyo,
sino ba nag-aalaga at kasa-kasama nung bata? hindi ba ikaw?
pwede rin kayang ikaw ang dahilan bakit laging meh sakit?
tama bang sya LANG ang sisihin mo?
ewan ko sayo!

(sakura)

Monday, January 28, 2013

pakialamerang kasamahan

oist sakura!

pakialamera tong kasamahan ko dito.
lagi na lang pinupuna trabaho ko.
dati nagpapatulong ako sa kanya, naiinis sya
kasi istorbo daw ako.
ngayong di naman ako nagpapatulong,
pinapakialaman naman ako.
sapakin ko na kaya to?

(maryjoy, 43)

===============

hoy maryjoy!

baka naman halatang di maayos ang gawa mo.
ayusin mo kasi para di napupuna.
malay mo concerned lang yang bruha jaan.
kaya naman pala pinakikialaman ka kasi
dati kinukulit mo sya eh.
pasalamat ka na lang.
sapakin? bruha to, eh kung patulan ka?

(sakura)

Monday, January 7, 2013

echusserang feg

oist sakura...

anong problema nitong
kasamahan ko sa trabaho?
laging sumisilip sa ginagawa ko
tapos chinichismis sa iba na
kung tutuusin hindi naman
kami close. kairita lang.

ambrosia, 28


-------------------



hoy ambrosia!

anong problema mo?
bakit mo pinapansin 'yang kasamahan
mo sa trabaho na 'di naman pala
kayo close at bakit mo naman
pinapansin pa kung
chinichismis ka niya sa iba?
sya lang ang meh problema
'wag ka na dumagdag pa.
ano sa palagay mo-
meh gusto sa 'yo o
meh inggit sa 'yo?
whatever!

sakura

Tuesday, January 1, 2013

new year na wala naman bago

oist sakura...

new year na wala namang bago
wala namang bago dito
wala ring bago sa akin
laging ganito na lang kapag
nagbabagong taon.
may kwenta pa ba talaga?

mario, 40

-----------------------------


hoy mario!

new year na nga 'di ka 'ata nagbago
sa tanong at kwento mo eh
wala namang nagbago
walang bago riyan at walang bago sa 'yo.
lagi ka bang ganyan kung bagong taon?
may kwenta pa nga kaya talaga?
bakit 'di ka na lang magbago?

sakura