Wednesday, April 24, 2013

ako na lang lagi

oist sakura!

bakit ganito nanay ko at ate ko
at kuya ko? wala nang nakita kundi ako!
wala na ata akong tamang ginawa.
lumayas kaya ako?

(gabby, 16)

=============

hoy gabby!

bakit ganyan ka? wala ka nang nakita
kundi nanay at ate at kuya mo!
wala na ba silang ginawang tama?
pasalamat ka nga nakikita ka nila at siguro nais
maituwid ang pagkabaluktot mo.
makinig ka na lang at subukang kumilos ng wasto.
lalayas ka? san ka pupunta? san ka kukuha ng kakainin mo?
di ka ba mahihiyang magpalaboy-laboy o makituloy
(pasampid sampid) sa kung saan-saan, sinu-sino?
kumain ka kaya muna baka gutom lang yan!
ligpitin mo pinagkainan mo ha,
baka mapagalitan ka na naman.

(sakura)

Friday, April 19, 2013

epal na housemate

oist sakura!

ang epal ng housemate ko!
sinabi sa roommate ko na di sya kumportable kapag 
sa kin natutulog jowa ko gabi-gabi. bakit  ko naman kelangan
magpaalam sa kanya, di naman sa kwarto nya natulog?
sa isang bakanteng kwarto naman, pakelam nya?

(magda, 27)

================

hoy magda!

sino nagpapatulog ng jowa sa bakanteng kwarto?
wala bang murang motel, este, matutulugan sa malapit?
sa 'yo din ba yung bakanteng kwarto? kung sa 'yo okay lang ah.
di naman siguro dapat maging ganun ka hindi-kumportable,
ilang gabi lang naman di ba? teka, gabi gabi ba?
so jaan din jumijingle, umeebak, naliligo, kumakain atbp?
ay, di ba dapat nagpaalam ka rin sa iba kung ganon?
nakialam ba o nagpahiwatig lang na 'di kumportable?
baka madre ang housemate mo? baka titser? baka  inggit?
kung ikaw ang nagpatulog ng iba gabi gabi sa kwartong di sayo
sa bahay na may iba pang nakatira, sinong epal?

(sakura)

Monday, April 1, 2013

wala daw pambayad ng renta

oist sakura!

ilang buwan ko na sinisingil 'tong mga umuupa sa min
pero wala daw pambayad.
grabe naman, dati pinatira ko sila nang walang advance
o deposit kasi naawa ako pero parang sobra na to ah
pati buwanang renta di nila magawan paraan.
paano na ito?

(delilah, 42)

===========

hoy delilah!

bakit mo kasi pinatira ng walang deposit o
advance eh di talo ka ngayon?
nagnenegosyo ka ba o nagpapatakbo ng ampunan?
paano? eh di paalisin! sus! siguro naman matatanda na
yang mga yan para dumiskarte noh?
pwede ba akong umupa sa inyo?

(sakura)