Wednesday, December 10, 2014

nagdadalagang ina

oist sakura!

hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis
o mandidiri dito sa kaibigan kong ito.
meh asawang tao eh laging 
nagsasasama sa amin ng
mga kabarkada ko sa
aming inuman kaya
tuloy nagkakagulo sila 
ng asawa nya, at napagkakamalan
tuloy syang nakikipaglandian sa amin
kasi nga naman mukhang ganon na nga.
papano ko ba iiwasan itong tila nagdadalagang
ina na ito? papano ko ba ipapaliwanag
sa iba pang nagtataas-kilay na
hindi naman namin nilalandi
ito at pinapakisamahan
lang? papano ba 'to?

(nickoy, 35)






---------------




hoy nickoy!

kaibigan mo ba talaga yan- eh bakit hindi mo
mapagsabihan ng derechahan? - bakit hindi mo
matimbrehan ang asawa sa pinaggagawa?
bakit naman kasi may reyna sa inuman nyo?
hindi kaya naiibigan nya ang pagtanggap
nyo kaya nawiwili sya ng pagsama
sa inyo? hindi ba pwedeng
kausapin nyo sa kapehan yan at
hindi sa inuman at pagsabihan
habang hindi pa huli ang lahat?
teka, hindi pa ba huli ang lahat? hindi kaya
pati kayo ay daan din ng pagkasira
ng kanyang pamilya? malalim na
akusasyon na ba? hindi ah!
tanong nga lang eh!
sa mga tanong mo kung papano, eh
baka naman alam mo na ang sagot, hindi pa ba?

(sakura)

Monday, November 3, 2014

kala mo sinong martir

oist sakura!

'yang kuya ko kala mo sinong martir.
kung makapagsalita kala mo sya lahat ang
nagkakandakuba para makakain kami.
bakit may mga taong ganyan?
may topak ba sya?

(frodo, 17)


-------------------

hoy frodo!

kanino ba pinagsasabi ng kuya mo yan?
at bakit ka naman nasasaktan?
ah naiinis lang ba?
ikaw din ba ay tumutulong para makakain kayo?
nasan pala mga magulang nyo?
hindi ba't mas responsibilidad kayo ng mga
magulang nyo? mga disabled ba? ah ok.
baka naman kailangan lang na mailabas ng kuya mo
ang kanyang damdamin, hayaan mo na.
baka naman wala pa syang gelprend
hanapan mo na lang kaya...
bakit may taong gaya mo na angal din ng angal kapag
nag uuumangal ang iba? may topak ka ba?
ah wala? okay, sinabi mo eh.
sure ka ha? okay.

(sakura)

Friday, October 3, 2014

naguguluhan ako

oist sakura!

naguguluhan ako.
parang mahal ko na talaga itong kaibigan ko.
nagseselos ako 'pag may kasama syang iba
at naiinis kasi 'di nya na ako sinasagot
sa text at parang iniiwasan nya ako.
nagkasabay kami matulog minsan
pero wala namang nangyaring
higit pa sa yakapan.
bakit ganun? mahal nya din kaya ako?
tama pa bang ipagpatuloy ko ito?
naguguluhan na talaga ko.

(misisganda, 38)


--------------------------

hoy misisganda!

kung misis ka na nga at maganda pa eh hindi kaya isang bloke at
kalahating tanga ka naman na maguluhan pa
sa mga pangyayaring ito sa buhay mo?
lahat naman ng kaibigan ay minamahal pero lahat ba
ay dapat pagnasahan?
kung sa 'yo ginawa yan ng mister mo magtatatalon
at magpapamisa ka ba sa tuwa?
hindi ka kinilabutan na natulog kang katabi ang
kaibigan mo (lalaki ba yan?) at umasa asa
ka pa atang may mangyayaring hingit
pa sa yakapan ang magaganap?
bakit ganun ka rin? mahalaga pa bang
malaman kung mahal ka rin nya?
'di ba't dapat pasalamat ka na lang  mukhang nirespeto
ang estado mo ng sinuman yan at iniiwasan ka
na ngayon? mag-isip isip ka naman ale!

(sakura)

Friday, September 12, 2014

bespren kung meh kelangan

oist sakura!

ano ba talaga ang bespren?

bakit meron nagsasabi na bespren nila ako
pero 'di naman sila nagpaparamdam
o kung nagpaparamdam man eh
kung kelangan lang nila ng 
kausap atbp. ok ba 'yun?

(ervic, 29)


-------------------

hoy ervic!

ano ang bespren? ngeh! ewan woy!
ano ba ang meaning ng bespren sa'yo?
 'di ka ba pasalamat na lang na binibespren ka?
eh ano kung 'di sila nagpaparamdam kung
'di ka kelangan, 'di ba pwedeng
ikaw na lang magparamdam?
gawin mong 2-way kung pakiramdam mo
1-way lang ang nangyayari...
kesa umaalsa dandraf mo jan!
hmp!

(sakura)

Sunday, August 10, 2014

taragis na smart

oist sakura!

taragis na smart yan!
ninakawan na naman ako ng load!
'di ko pa nga gaanong nagagamit na zero na!
taragis talaga! mga magnanakaw!

(daboy, 17)

---------------


hoy daboy!

bakit smart ang ginagamit mo kung
ninanakawan ka pala?
ilambeses ka na nag todo text dati na
'di naman binabawas ng smart?
hindi kaya binabawi lang nila 'yan ibinawas sa'yo ngayon
duon sa pagsasayang mo ng pagsi-send ng mga walang kwentang sms
sa kung sinu-sino lang na smart din noon?
kung talagang may isyu ka eh
bakit 'di ka tumawag sa kanila at nang mabawi
mo ang sinasabi mong ninakaw sa'yo?
bawal bang magpalit ng network sa relihiyon nyo?

(sakura)

Monday, July 21, 2014

invisible lagi

oist sakura!

invisible ako lagi.
wala akong email o FB o kahit friendster
o ano ba jaan pero misis ko meron.
natatakot kasi ako kumunek sa
mga dating friends, lagi nila
pinapaalala perslab ko eh
baka sumama loob ni
misis kaya iwas na
lang ako.

(richie, 37)

-------------------

hoy richie!

mula nuon invisible ka online?
paano mo kinakaya yan?
so ano lang ang libangan mo kapag nais mong
malibang ng 'di nagpapawis?
nakikigamit ka na lang ng account ng misis mo?
okay lang sa kanya? okay lang sayo? kakaiba ka!
'yung perslab kamo ang dahilan ng isyu mong ito?
harooojosko! kelan pa yun? higit dalawang dekada na?
maygas! nagmove-on na yun!
ang tanong, ikaw ba eh nagmove-on na?
pa kunya-kunyari ka pang concerned sa misis!
lokohin mo lelong mong panot!
mag plurk ka na woy!

(sakura)

Thursday, June 12, 2014

wala namang alam

oist sakura!

anong problema ng isang tao dito?
sabat ng sabat sa isyu eh 'di
naman alam kung ano
talaga 'yun.
basta lang may maisabat, tira ng tira!
nagsasawa na ako sa kakabasa
ng sabat nya. kalerkey!

(doodz, 45)

----------------

hoy doodz!

sinong tao jaan ang sinasabi mo?
ano nga ba problema nya?
at ano bang problema mo sa pagsabat nya?
dahil nga kaya sa isyu mo na feeling mo
wala syang alam o dahil sa gusto sya
pakinggan ng dating sayo lang
nakikinig? umayos ka nga!
kung nagdidiskusyon kayo, 'di ba pwede
mo namang sabihin ang nais mo?
kung naiinis ka sa kanya, 'di ba pwede
mo naman syang deadmahin?
ano ba problema mo?
'wag ka magbasa!
kakalerkey ka!

(sakura)

Wednesday, May 14, 2014

buntis na

oist sakura!

housemate ko buntis na.

lagi kasi pinapapunta boyprend nya dito
sa boarding house namin eh.
yung dating housemate namin na lalaki
nabuntis naman gelprend nya kasi
lagi nya ring pinapapunta dito.
napapaligiran ako ng mga malibog!
nakakatakot baka mahawa ako.

(ronalyn, 23)


---------------------

hoy ronalyn!

kapag pinapapunta ba mga jowa eh
kelangan meh nangyayaring kababalaghan?
bakit naman 'di mo 'ata namamalayan  na ginagawa
na palang motel yaang tinitirhan mo?
eh nabuntis sila kasalanan mo pa ba yun?
natatakot ka ba ba talaga o naiinis
o baka naman naiinggit?
kung natatakot ka na mahawa talaga
gusto mo ng dobleng sampal?
ano yan bulutong-tubig? sore eyes?
naniniwala ka ba talagang nakakahawa
ang pagkamalibog? ipa-exorcise kaya kita!
asikasuhin mo na lang ang sarili
mo at huwag na silang isipin.
kanya-kanyang trip 'to!

(sakura)

Sunday, April 13, 2014

ayoko ng konek

oist sakura!

inaalis ko na lahat ng gamit ng ex ko
sa bahay, as in lahat talaga!
ayoko ng konek! ayoko sya maalala!
todong bagong-buhay na ito.
goodluck sa akin.

(caitlin, 28)
--------------------

hoy caitlin!

kapag inalis mo ba lahat ng gamit ng ex
mo ay 'di mo na sya maaalala?
ano namang kasuklam-suklam ang ginawa
sa'yo nyan at ayaw mo ng konek?
kahit masasayang araw gusto limutin?
okay! fine! ayaw mo nga!
whatever! kaya mo pangatawanan yan?
todong bagong-buhay talaga?
goodluck sa 'yo!

(sakura)

Monday, March 3, 2014

'di naman ako yumaman

oist sakura...

nangutang ako para makasali
sa money magnet seminar
kasi sabi yayaman daw
nganga! 'di naman.
'di naman totoo pala.
'di naman ako yumaman eh.
sayang bayad ko, 500 din 'yun!

andy, 26


------------------


hoy andy!

aatend lang ng seminar yayaman na?
nakinig ka ba talaga 'dun?
may natutunan ka?
ginamit mo natutunan?
baka naman pagkatapos eh wala lang...
ang ibig kong sabihin, asa ka pa?
asang sa ganyan yayaman ka?
'di kaya isa lang yan sa
maraming paraan...
sikap sikap din pag may time!

sakura

Thursday, February 6, 2014

nasaniban ata

oist sakura!

itong kapatid ko'ng may pamilya na
ay 'di ko ma gets ang drama!
magti-text at mangangamusta pagkatapos ay
tatanungin ka kung may kinakain ka pa, 
nakakaloka 'di ba? kung kakamustahin
mo naman ay sasagutin kang okay
lang sya at may pahabol pang
"mas okay pa ako kesa sa'yo"
'di kaya nasasaniban na ito?
ano ba talaga ang drama nya?

(maelene, 36)

--------------------------------

hoy maelene!

sigurado ka bang hindi lang drawing ang kapatid
mo na iyan? kakaiba naman at mukhang
nakahithit 'ata ng katol! hindi kaya?
pinapalabas ba nya na wala ka na'ng makain?
wala ka na nga ba'ng makain? mukhang meron pa naman siguro,
nakakainternet ka pa eh at mukhang wala namang malubhang karamdaman
sa litratong nilakip mo...at bakit may mga pahabol pang ganun ang
ibang text nya? may malaking pagkakautang ka ba sa kanya?
kung wala naman, anong karapatan nyang
mambozit ng ganyan?
talaga bang hindi ka na okay? kung hindi ka nga okay o
totoong mas okay sya kesa sa iyo, ano pa rin ang drama nya at
kelangan nya pang sabihin yun? teka, ako nga pala ang tinatanong mo ano?
sa totoo lang, 'di ko rin sya ma gets. autistic ba sya? nahulog sa
duyan nuong bata pa? uhaw sa atensyon at kalinga?
o trip lang talagang mang-asar? abah!
'di kaya maigeng ipamental nyo na sya?
magpakalayo-layo ka na kasi mukhang tama ka
sa dudang nasasaniban sya. tsk tsk kawawa
naman. gudlak! na lang ha?

(sakura)

Friday, January 3, 2014

gusto lang mag-negosyante

oist sakura!

napapagod na ako dito sa buhay ko at
sa pagiging kasama sa negosyo ng pamilya.
wala rin kasing kwenta ilang taon na.
gusto ko na nga umalis kaya lang
wala naman akong mapuntahan.
ayoko maghanap ng trabaho,
matanda na kasi ako.
magnenegosyo na lang ako.
ayos 'di ba?

(marco, 34)

----------------------------

hoy marco!

mas nakakapagod ba ang buhay mo sa buhay ng basurero?
mas maige ba ang mag-isa kesa kasosyo pamilya?
ano ang ibig sabihin ng may kwenta at wala?
kung gusto umalis, bakit ayaw umalis?
kung walang mapuntahan, bakit 'di gumawa paraan?
bakit ayaw mo maghanap ng trabaho?
matanda sobra na ba talaga ang 34?
hindi ba't depende na lang 'yan sa kakayanan?
pagsisikap? pagpapasenya at pagtitiyaga?
magnegosyo? bakit hindi?
anong negosyo naman?
may pampuhunan ka na?
kung ganun, eh gudlak!

(sakura)