Tuesday, March 24, 2015

pasikat lagi

oist sakura...


pasikat naman 'tong ilan sa FB friends ko.
laging nilalagay mga travels at mga
bonggang pictures etc. nila na
parang wala nang bukas.
hmp! if i know pa lang
mga purita rin sila
gaya ko!


purita, 28


--------------------------------


hoy purita!


pakelaman ang FB ng may FB?
pakelaman ang post ng may post?
pakelaman ang trip na pag post ng pictures?
at kung anek-anek pang mga bagay?
ano ka bitter? madali naman mag-
unsubscribe kung 'di mo type
makita? madali rin mag-
unfriend 'di ba?
eh ano kung purita sila?
bawal bang magpost sa FB kung purita ka?
eh ano kung purita ka?
ang bawal eh ang pakelaman mo
kaligayahan ng iba lalo't di ka
naman inaano. KSP ka?


sakura