Thursday, May 7, 2015

sana naman masabi ko

oist sakura


may konting problema ako
nabuntis ko gelprend ko
nanganak na nga sya
at may baby na ako
pero sakura, ang gulo ng isip ko
ang gulo kasi hanggang ngayon
'di pa alam ng pamilya nya
ang nangyari sa amin.
wala akong pera pa kasi
nahihiya ako humarap sa kanila.


edmundo, 20


---------------------------------------




hoy edmundo!


konting problema lang talaga yan sa'yo?
ayuz ka ah...ikaw, sige, sinabi mo eh.
congrats nga pala ama ka na?
hindi ka ba nahiya sa sarili
mo at sa anak mo na
ama ka nga 'ala ka
pa ring bayag?
oo na, magulo na ang isip mo
oo na, wala ka pang kamong pera
pero juicemeh tama bang itago yan sa kanila?
tama bang mahiya ka pa sa lahat ng mga nagawa na?
'di kaya ang maigeng gawin ay umamin ka na?
kumilos ka na at pangatawanan ang bata?
kalimutan ang hiya at iharap ang sanggol sa madla?
sabagay, mahirap nga kung naumpisahan
mo na ang lito at gulo at antay ng
kung anu-ano...
so pa'no ba pare?
kailan? kapag mayaman ka na? ngek!
kailan? kapag may tapang ka na? ngek!
kailan? kapag lahat ay huli na? ngek!


(sakura)