Friday, December 4, 2015

kakaibang nanay

oist sakura!

kakaiba naman itong nanay ko.

sabi ng karamihan pangit ka na sa lahat pero
sa nanay mo maganda ka pa rin eh bakit
itong nanay ko kahit maganda naman
ako eh laging sinasabing pangit ako.
bakit ganyan sya?

(cherry, 17)


-----------------------------

hoy cherry!

porke sinabing pangit ka kakaiba na nanay mo?
hindi kaya 'di lang sya sinungaling?
gusto mo ba magsinungaling sya sa'yo?
bakit napakahalaga sa 'yo ang usapang pangit o maganda?
alam mo na ba talaga ang kahulugan nyan?
kung sinasabihan kang maganda ng iba,
naniniwala ka naman?
kung sinabihan kang pangit ng nanay mo,
naniniwala ka rin?
ikaw, ano tingin mo sa sarili mo?
'di ba 'yun ang mas mahalaga?
buhay pa nanay mo?
sana naman ha.

(sakura)