Saturday, December 3, 2016

hindi pa ako handa maging ama!

oist sakura...


kakapagod naman mag-trabaho at dagdag pang
magpa-alaga ng anak sa nanay ko...
hindi ko naman gusto 'to eh, ika
nga, produckto ng malaking
katangahan. ngayon ko lang naisip na hindi pa 
pala talaga ako handa maging ama...
ano ba gagawin ko?


(bagani, 22)




------------------------------------------


hoy bagani!


'di mo ba naisip na dakila ka naman at
nariyan pala sa 'yo ang anak mo?
ang ina pala nyan, nasaan?
teka...
'wag mo sabihing nanay mo pinag-aalaga mo
sa bata? anak ng tipaklong naman yan!
ikaw pa may ganang mapagod???
eh...
ikaw ang lumandi at ewan ano pa ang
problema mo sa buhay 'di ko naman
alam...bakit 'di mo na lang
tanggapin na ganyan na?
para naman makapag-move on ka na 'di ba?
umayos sa pagtatrabaho nang 'di maghirap
pansin mo 'di ka nabumabata?
anak ka ng tatay mo-
tatay ka na!


sakura

Thursday, November 3, 2016

wala nang labing labing

oist sakura...


sampung taon na kaming kasal.
hindi naman sa umaangal ako pero
parang wala na atang gana makipaglabing-
labing itong misis ko. lagi syang busy
lagi syang pagod. at kapag nag-
aaya ako eh ayaw nya. tao
ako at lalaki rin, may mga
pangangailangan ako.


buroy, 33




--------------------------


hoy buroy!


kinausap mo ba ang misis mo tungkol dito?
pinaramdam mo ba ang iyong problema?
problema nga ba 'yan?
laging busy at laging pagod?
hindi kaya sa mga gawaing-bahay 'yan?
eh kung tulungan mo kaya sya para
mabawasan ang gawain at hindi
na sobrang mapagod?
teka, hindi kaya nasa iyo ang problema?
masarap ka pa ba? 


sakura

Tuesday, October 4, 2016

manigas kayo jan!

oist sakura...


kahit naman siguro ikaw eh maiinis ng todo
sa pinaggagawa nitong dati kong
kumpanya, nag-resign ako kasi
inaway-away ako ng admin
11K lang sahod ko then...
tapos pinalitan nila ako ng isang employee
na binayaran nila ng 90K! abah!
eh ngayon umalis din dun yun...
akalain mo? kinokontak na
naman nila ako para bumalik sa kanila?
pweh! manigas sila jan!


(remie, 28)




----------------------------


hoy remie!


maanong pinag-aaksayahan mo pa ng panahon yan
eh desidido ka na naman pala na patigasin sila?
kahit naman siguro ikaw ay maobozit na
binayaran nila ng 90k ang pumalit sayo
tapos ngayong wala na eh hanap ka...
teka...
90K din ba o mas mataas ang ibabayad sa 'yo?
naku! pag-isipan mo, sayang din yun!
pero kung 11K ulit, manigas sila!
meh pinagkakakitaan ka na 'di ba? 
okay ka na naman sa buhay mo ngayon 'di ba?
eh kung ganon, tomoh! manigas sila!
yeah baby! manigas sila! muhaha!


sakura

Saturday, September 10, 2016

kung makare-ak parang sa kanya pera

oist sakura...


tanging-ina naman si kuya
kung maka-reak sa bagong negosyo ko
eh parang kanya ang perang ginamit ko...kesyo
scam daw, kesyo pyramid daw, kesyo 
iiyakan ko lang daw kapag nalugi 
ako at 'di umubra 'to...
eh sya nga, tambay at palamunin pa sa
amin hanggang ngayon eh!


brad tripp, 17


--------------------------------


hoy brad tripp!


pa'no naman naging tanging ina yan eh kuya pala?
kanino ba ang perang ginamit mo?
pyramid o scam peke nga ba
yang pinasok mo?
eh kung hindi naman, bakit ka nagpapaapekto?
kung inaral mo at nakitang sa umpisa pa lang eh 'di ka
naman nalugi, may posibilidad ba na iiyakan mo pag 'di umubra?
eh kung wala naman, 'di ba dapat chillax ka lang?
'di ba dapat patuloy ka lang at nang umubra
naman at mapatunayang 'di ka gaya nya?



sakura

Monday, August 15, 2016

ang kulit ng boypren ko

oist sakura!
ang kulit ng boyprend ko.
gusto nya akong tabihan sa pagtulog.
tama ba yun?

(annie, 18)

==================================

hoy annie!
ano sa palagay mo?
tama ba yun? ano ka baby?
di ka makatulog mag-isa?
eh kung halikan at akapin at tooootoootin ka nyan?
masama yang ganyan!
nagtanong ka pa. batukan kita jan!

(sakura)

Saturday, July 2, 2016

sana bingi ako

oist sakura!

sana bingi na lang ako.

problema ko talaga ang talas ng
pandinig ko, andami kong naririnig.
ansakit sa ulo at minsan nakakasuya na.
nakakarinig ako ng pagclick ng mouse.
nakakarinig ako ng kilitian, kwentuhan at chismisan.
nakakarinig ako ng ungol at paghilik at paghinga ng iba.
nakakasuka na!

(maria, 33)


--------------------

hoy maria!

susmaryosep ka!
para yan lang gusto mo na maging bingi?
'di mo ba naisip na swerte yan?
simple lang problema mo ah.
mag- earplugs ka!

(sakura)

Monday, June 20, 2016

nakakasawa na sya

oist sakura!

nakakasawa na sya.
lagi na lang kasi kami naggaganun at
parang wala nang ibang maigeng gawin kundi ganun.
nuon nasasarapan pa ako pero ngayon
hay, nakakasawa  na...
pa'no ko ba sasabihing ayoko na?

(miguel, 28)

-----------------------

hoy miguel!

bakit mo inaaraw-araw?
wala na ba kayong pwedeng gawin kundi yun?
dun lang sya magaling?
pa'no nangyaring dati masarap tapos ngayon...
pa'no sasabihin? ayaw mo sabihin ng derecho?
ipadala mo kaya ang blog na ito.
teka, pareha ba nasa isip natin?
ang pagdo DOTA?

(sakura)

Sunday, May 22, 2016

nakipag-break na ako

oist sakura!

nakipag-break na ako sa boyprend ko.
kasi sinabihan nya ba naman ako
na mahal nya pa raw ako pero
'di na gaya ng dati.
amp! ano yun?

(kristin,19)


-----------------------------

hoy kristin!

ikaw ba yung gelprend ni jackiechan?
(pakibasa ang kahapon)
susme! eh 'di sana tinanong mo
na lang din kung pa'no nagkaganon
at kung meh magagawa pa.
bakit ka naman nakipag-break agad?
ano naman ang gusto mo,
magpanggap sya?
magpasalamat ka na lang kaya
na binuksan nya ang topic
para makaisip kayo ng
paraan na muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.
teka, kanta ba yun?
ano yun? ewan.

(sakura)

Friday, April 1, 2016

nakakatawa mukha ko

oist sakura!

minsan parang apektado na ako.
itong mga kaibigan ko kapag dumarating ako
wala pa akong sinasabi eh tumatawa na.
minsan narinig ko sabi nung isa,
nakakatawa raw kasi mukha ko.
tama ba naman yun?

(edgar, 28)

------------------------

hoy edgar!

bakit ka apektado masyado?
masyado ka namang mapag-isip.
ayaw mo pa nun, nakakapagbigay tuwa (tawa)
ka sa kapwa kahit wala ka pang ginagawa
o sinasabi?
'di mo ba naisip na pwede ring mapagkakitaan yan?
paano? ewan. kaw na mag-isip!

(sakura)

PS. saan ka ba pinaglihi?

Tuesday, March 29, 2016

gusto kong magpari

oist sakura!

gusto kong magpari.
pero ayaw maniwala ng mga kaibigan ko
kahit ng mga kamag-anak ko.
pinagtatawanan nila ako.
bakit?

(buboy, 17)

================

hoy buboy!

gusto mo talaga magpari?
pinag-isipan mo bang maige yan?
tinawag ka na ba? (sa panaginip, sa mga signs et cet)
bakit ayaw nila maniwala?
marami ka bang kalokohang pinaggagagawa na mukhang
kagulat-gulat ang iyong desisiyon?
baka naman may pananagutan ka na? 'di kaya bading ka?
oy, pag-isipan mo muna maige ha kasi ang pagpapari
ay hindi para sa lahat.
at habang nag-iisip ka, basahin mo na rin ang
tanong ni *lala,29* jaan sa baba.
'di kaya magaya ka lang jaan sa pinuproblema nya?

(sakura)

Monday, February 8, 2016

masama ugali

oist sakura!

kasamahan ko di ko na ma-take!
kwento ng kwento tungkol sa boyprend nya
eh alam ko, pari yun.
'di ko na sya pinapakinggan pero talagang
naguguluhan ako.
masama yun di ba?
(yung tungkol sa relasyon sa pari)
masama ba ugali ko na ipinaalam ko pa sa 'yo?

(lala, 29)

==============

hoy lala!

naman 'to, dontelmi 'di mo pa alam na masama yung ganun?
kung kaibigan mo sya (yung kasamahan mo) pagsabihan mo para naman
makapag-isip-isip baka nabubulagan.
bakit ka pa naguguluhan?
nais mo bang isumbong sa simbahan?
pwede rin (kung kaya mo) pero siguruhin mo muna
baka balak naman na umalis sa pagkapari nyan.
(pero ang kupal talaga! sarap tirisin ha!!!)
masama ba ugali mo na ipinaalam pa sa akin?
may pangalan ka bang ibinigay? kilala ba kita?
ipinagkakalat mo rin ba ito sa sangkatauhan na may halong
malisya at walang mga balak na hakbang na pagtulong?
ay, patay tayo jan.

(sakura)

Sunday, January 10, 2016

ayoko makita mga klasmeyt ko

oist sakura!

ayoko makita mga klasmeyt ko.
kasi naman kapag nagkikita-kita sila
puro mga kotse at travel pinag-uusapan
eh wala naman ako nun!
okay lang sila?

(darna, 24)


-------------------------

hoy darna!

eh ano ngayon kung puro kotse at
travel pinag-uusapan nila?
eh ano kung wala ka nung mga yun?
eh sila- meron ba kung anong meron ka?
gaya ng sangkatutak na problema?
jowkh lng powhz, jejejejeje.
bawal ba mag-open ng ibang topic?
ano bang topic gusto mo - sex? love? life?
frustrations? friendships? money? religion? politics?
abah abah abah, lume-level up ka na! why not?
okay lang sila. ang tanong
okay ka lang ba?

(sakura)