Friday, April 1, 2016

nakakatawa mukha ko

oist sakura!

minsan parang apektado na ako.
itong mga kaibigan ko kapag dumarating ako
wala pa akong sinasabi eh tumatawa na.
minsan narinig ko sabi nung isa,
nakakatawa raw kasi mukha ko.
tama ba naman yun?

(edgar, 28)

------------------------

hoy edgar!

bakit ka apektado masyado?
masyado ka namang mapag-isip.
ayaw mo pa nun, nakakapagbigay tuwa (tawa)
ka sa kapwa kahit wala ka pang ginagawa
o sinasabi?
'di mo ba naisip na pwede ring mapagkakitaan yan?
paano? ewan. kaw na mag-isip!

(sakura)

PS. saan ka ba pinaglihi?