Thursday, November 3, 2016

wala nang labing labing

oist sakura...


sampung taon na kaming kasal.
hindi naman sa umaangal ako pero
parang wala na atang gana makipaglabing-
labing itong misis ko. lagi syang busy
lagi syang pagod. at kapag nag-
aaya ako eh ayaw nya. tao
ako at lalaki rin, may mga
pangangailangan ako.


buroy, 33




--------------------------


hoy buroy!


kinausap mo ba ang misis mo tungkol dito?
pinaramdam mo ba ang iyong problema?
problema nga ba 'yan?
laging busy at laging pagod?
hindi kaya sa mga gawaing-bahay 'yan?
eh kung tulungan mo kaya sya para
mabawasan ang gawain at hindi
na sobrang mapagod?
teka, hindi kaya nasa iyo ang problema?
masarap ka pa ba? 


sakura