Sunday, October 18, 2020

nagmamagaling

oist sakura....

itong kaklase ko dito
lagi na lang sumasagot sa GC
nauunahan yung mga dapat sumagot
nakakabuset, nagmamagaling
pabida-bida!

lolong, 49




-------------------------

hoy lolong!

49 ka na may ganyan ka pang isyu?
ano bang GC yan at sobrang busy ka?
eh bakit di ikaw ang sumagot kung gusto mo?
porke nasagot nakakabuset na?
porke naunahan ka, nagmamagaling na?
porke nagbibigay ng panahon pabida bida na?

eh pano kung magaling naman talaga
at ikaw ay naiinggit lang? 
mag-isip isip ka kaya?

sakura

Wednesday, August 19, 2020

O.C. na roommate

oist sakura!

ang O.C. ng roommate ko.
araw-araw 'pag dumadating naglilinis
ng kama (at area) nya at nagpapagpag ng
pagkalakas-lakas!
nagwawalis na parang wala ng bukas.
at laging nakasimangot kasi kami
ay 'di gumagaya sa gawa nya.
okay lang sya?

(carissa, 24)

----------------

hoy carissa!


O.C. as in OC talaga?
'di ka pa masaya at mapaglinis sya?
naiingayan ka ba sa pagpag o
naiinis ka sa alikabok 'pag nagpapagpag o
naasar ka kasi feeling mo eh
pinaparamdam nya na dugyot ka?
bakit mo pa pinapansin,
mamatay sya sa kakasimangot!
sino bang papangit sya rin 'di ba?
okay lang ba sya? oo. hindi. ewan.
magwalis at magpagpag ka rin kaya 'pag andiyan sya
lakasan mo rin at sumimangot ka rin-
ano kaya mangyayari?

(sakura)

Friday, June 19, 2020

ginagamit lang ako

oist sakura!

bakit ganun na lang palagi?
'ramdam ko ginagamit lang ako
ng mga kaibigan, kamag-anakan at
kung sinu-sino pang nakakatrabaho ko...
mukha ba talaga akong gamit?

(mistika, 24)


----------------

oist mistika!


bakit ganun na lang palagi?
bakit 'ramdam mo ginagamit ka lang?
paanong ginagagamit?
at paanong pwede kang magamit?
kapag ginagamit ka, alam mo bang ginagamit ka?
kung hindi, bakit hindi mo alam?
at kung hindi mo alam, bakit ka apektado?
kung oo, bakit ka nagpapagamit?
at kung nagpapagamit ka, bakit ka umaangal?
mukha ka bang talagang gamit?
gamitin mo na lang din sila!

(sakura)

Wednesday, April 1, 2020

sabing busog na- ANG KULIT

oist sakura!

haynaku, opizmeyt ko nakakainis.
bigay ng bigay ng pagkain eh
ayoko na nga! busog na!
pa'no kung masuka na
ako sa kabusugan?

(lorena, 25)


--------------------------

hoy lorena!

food factory ba yang opiz nyo?
ayaw mo na binibigyan ka?
(akin na lang!)
hindi ka ba marunong tumanggi lang ng maayos?
bakit ka ba nagagalit? magsuka ka na
lang kaya sa harap nya para
matapos problema?

(sakura)

Sunday, February 23, 2020

ayoko na nitong antibiotic

oist sakura!

ayoko na nitong antibiotic
nakakasuka na inumin.
tutal magaling na naman ako eh.
itigil ko na kaya?

(abby, 28)

-------------------

hoy abby!

doktor ka? di ba sabi sampung araw mo
dapat inumin yan? pang-ilang araw na ba?
kung di pa umabot ng sampu, di mo pa nga pwedeng itigil yan
o itigil mo kung gusto mo pero bahala ka kung ano
mangyayari sa iyo sa susunod.
narinig mo yung 'antibiotic resistance' or teka,
'resistance to antibiotics' ba yun?
i-dogpile.com mo na lang, tinatamad ako eh.
subukan mo ring tanungin doktor mo ha
para mapagalitan ka. hahaha

(sakura)