oist sakura
sobrang tamad ng boss ko
laging nasa bakasyon
at lahat ng trabaho eh naiiwan sa amin
pero syempre di namin ginagawa
kaya andaming naiinis sa min
kasi lagi kaming huli at
apektado na ang iba.
tanong: tama namang di namin gawin di ba?
gawain nya yun at sobrang triple pa sweldo
nya sa amin. pano kung sisantehin kami?
marky baby, 50
------------------------------------
hoy marky baby!
kaya mo nasabing tamad kasi nagbabakasyon?
kaya mo nasabing tamad kasi di ginagawa trabaho
at laging nagbabakasyon?
kaya mo nasabing tamad kasi naiiwan senyo
ang trabaho at laging nagbabakasyon?
sa iniwang trabaho mahirap ba gawin?
kung mahirap, bakit di mo sinsabi?
kung mahirap, bakit di ka nagpapatulong?
kung hindi mahitap, bakit di mo ginagawa?
kasi gawain nya dapat?
kasi siniswelduhan sya para gawin yun?
kamusta ka naman, hindi pa ba palpak ang gawain mo?
papano nga kung masisisante ka kapag nagkagulo gulo?
may papupuntahan ka ba?
may malaking ipon ka na ba?
sa palagay mo, wala na ba talagang magagawa?
sakura
Ang mga nabasa mo dito ay HINDI PARA SA IYO! Anumang pagkakatulad sa iyong karanasan ay PROBLEMA MO NA! Kadalasan naman tanong lang din ang sagot ni Sakura, kaya, parang wala ring kwenta... Wateber! [PS. Kung nais ninyong sundin o gawin o anuman ang alin man dito ay pinagpapayuhan kayong humingi muna ng "written consent" na may opisyal na pirma, or else tabla tabla lang]
Sunday, December 21, 2025
ang tamad ng boss ko
Thursday, November 27, 2025
marupok ako eh!
oist sakura
binugbog ako ng asawa ko
kasi late na ako nakauwi minsan
nasugat ako kasi nabasag ang baso
at natabig ng kamay ko
ayun lumayas ako pero bumalik din
nag sorry sya eh.
tama ba?
trinnie, 43
----------------------------
hoy trinie!
binugbog ka tapos nasugatan ka?
binugbog ka tapos lumayas ka?
binugbog ka tapos bumalik ka?
binugbog ka tapos magpapakatanga ka
na naman tapos tatanungin mo ako kung tama ba,
kung tama bang patawarin kasi nag sorry?
siguro mabuti pa
hanap ka ng ibang kausap noh?
ginagalit mo ako eh---
sakura
Sunday, September 21, 2025
negang- nega
alam mo hindi ko alam kung
maaawa o maiinis ako sa kaibigan ko
sa mga FB wallpost nya.
puro kasi pang-aaway pero hindi
naman nakalagay kung sino ang kaaway
nya. kaya umaga pa lang kapag
nag-e-FB ako eh nawawalan ako
ng gana kasi tumatambad
sa akin ang mga posts nya.
haaaaaaay!
mantoy,35
-------------
hoy mantoy!
hindi mo ba alam na simple
lang ang solusyon sa
pinuproblema mo???
eto:
buksan mo ang profile nya.
hanapin mo ang UNSUBSCRIBE,
'yun! hindi mo na makikita ang
mga posts nya.
o 'di kaya eto:
buksan mo ang profile nya.
hanapin mo ang UNFRIEND o kaya
DELETE from friends list.
ewan, sigurado ako meron nyan.
mag-explore ka nga!
sakura
Thursday, July 10, 2025
tomboy pala ang gusto
naimbyerna naman ako sa kaibigan ko
ipinagtanggol ko na at lahat kasi
inaaway ng ex-boyprend nya
at ngayon ay hinanapan
ko ng lalaking tunay na
makakapagpaligaya sa kanya.
josko! nalaman laman ko na lang
sa tomboy sya napunta!
ano ba yan?!
(jaylo, 30)
---------------------
hoy jaylo!
hiniling ba ng kaibigan mo na
ipagtanggol sya sa nang-aaway na
ex-boyprend nya?
hiniling din ba nya sa'yo na ihanap
sya ng lalaking tunay na
makakapagpaligaya sa kanya?
kung hindi naman eh wag ka na
umangal pa, may balak na naman pala
sya sa buhay nya eh.
paano mo nalaman na sa tomboy napunta?
hindi na ba kayo nag-kakausap?
hindi na ba kayo magkaibigan?
ay, yan ang problema...
(sakura)
Saturday, May 17, 2025
hindi namamansin
hindi ako pinapansin ng bruha kong friend.
marahil kasi sinabi kong walang kwenta
ang boyfriend nya.
eh totoo naman eh, nilalandi lang sya
at inuutangan tapos hindi na
binabayaran.
kamusta naman yun?
(sha, 21)
--------------
hoy sha!
bakit gusto mong pansinin ka pa eh
tinatawag mo na nga syang bruha?
bakit nagtatanong ka pa eh ikaw naman pala
meh kasalanan?
ikaw kaya ang pagsabihan na walang kwenta
ang boyfriend, matutuwa ka ba?
pakelam mo kung inuutangan
sya at 'di binabayaran? pera mo ba yun?
malay mo yung paglalandi ang
bayad sa utang, di kaya?
kamusta ka naman?
(sakura)
Monday, March 3, 2025
matakaw kuya ko
marami kaming magkapatid
at medyo taghirap ngayon kaya
talagang hati-hati sa ulam sa bahay.
itong kuya ko, sobrang takaw naman,
higit pa sa parte nya ang kinakain kaya
tuloy yung huli sa kainan (kadalasan ako)
eh nauubusan ng ulam.
nakakainis talaga 'di ba?
anong gagawin ko?
(jonjon, 17)
-------------------
hoy jonjon!
ilan kayong magkakapatid- sobrang dami ba?
ngayon lang kayo taghirap? kami mula nuon pa.
sino naghahati-hati ng ulam? tama ba pagkakahati?
kuya ba talaga yang sinasabi mo, bakit
parang bunso kung umasta?
bakit ka nahuhuli lagi sa kainan?
may mga mas mahalaga ka pa bang ginagawa?
baka akala hindi ka na kakain kaya
nanghinayang na magtira pa ang kuya mo?
pero kung dahil sa takaw lang, nakakainis nga!
ano bang dapat mong gawin?
eh 'di wag magpahuli sa
lamesa? obvious ba?
or else, haay.
(sakura)
Wednesday, January 1, 2025
new year na wala naman bago
new year na wala namang bago
wala namang bago dito
wala ring bago sa akin
laging ganito na lang kapag
nagbabagong taon.
may kwenta pa ba talaga?
mario, 40
-----------------------------
hoy mario!
new year na nga 'di ka 'ata nagbago
sa tanong at kwento mo eh
wala namang nagbago
walang bago riyan at walang bago sa 'yo.
lagi ka bang ganyan kung bagong taon?
may kwenta pa nga kaya talaga?
bakit 'di ka na lang magbago?
sakura