Friday, April 1, 2016

nakakatawa mukha ko

oist sakura!

minsan parang apektado na ako.
itong mga kaibigan ko kapag dumarating ako
wala pa akong sinasabi eh tumatawa na.
minsan narinig ko sabi nung isa,
nakakatawa raw kasi mukha ko.
tama ba naman yun?

(edgar, 28)

------------------------

hoy edgar!

bakit ka apektado masyado?
masyado ka namang mapag-isip.
ayaw mo pa nun, nakakapagbigay tuwa (tawa)
ka sa kapwa kahit wala ka pang ginagawa
o sinasabi?
'di mo ba naisip na pwede ring mapagkakitaan yan?
paano? ewan. kaw na mag-isip!

(sakura)

PS. saan ka ba pinaglihi?

Tuesday, March 29, 2016

gusto kong magpari

oist sakura!

gusto kong magpari.
pero ayaw maniwala ng mga kaibigan ko
kahit ng mga kamag-anak ko.
pinagtatawanan nila ako.
bakit?

(buboy, 17)

================

hoy buboy!

gusto mo talaga magpari?
pinag-isipan mo bang maige yan?
tinawag ka na ba? (sa panaginip, sa mga signs et cet)
bakit ayaw nila maniwala?
marami ka bang kalokohang pinaggagagawa na mukhang
kagulat-gulat ang iyong desisiyon?
baka naman may pananagutan ka na? 'di kaya bading ka?
oy, pag-isipan mo muna maige ha kasi ang pagpapari
ay hindi para sa lahat.
at habang nag-iisip ka, basahin mo na rin ang
tanong ni *lala,29* jaan sa baba.
'di kaya magaya ka lang jaan sa pinuproblema nya?

(sakura)

Monday, February 8, 2016

masama ugali

oist sakura!

kasamahan ko di ko na ma-take!
kwento ng kwento tungkol sa boyprend nya
eh alam ko, pari yun.
'di ko na sya pinapakinggan pero talagang
naguguluhan ako.
masama yun di ba?
(yung tungkol sa relasyon sa pari)
masama ba ugali ko na ipinaalam ko pa sa 'yo?

(lala, 29)

==============

hoy lala!

naman 'to, dontelmi 'di mo pa alam na masama yung ganun?
kung kaibigan mo sya (yung kasamahan mo) pagsabihan mo para naman
makapag-isip-isip baka nabubulagan.
bakit ka pa naguguluhan?
nais mo bang isumbong sa simbahan?
pwede rin (kung kaya mo) pero siguruhin mo muna
baka balak naman na umalis sa pagkapari nyan.
(pero ang kupal talaga! sarap tirisin ha!!!)
masama ba ugali mo na ipinaalam pa sa akin?
may pangalan ka bang ibinigay? kilala ba kita?
ipinagkakalat mo rin ba ito sa sangkatauhan na may halong
malisya at walang mga balak na hakbang na pagtulong?
ay, patay tayo jan.

(sakura)

Sunday, January 10, 2016

ayoko makita mga klasmeyt ko

oist sakura!

ayoko makita mga klasmeyt ko.
kasi naman kapag nagkikita-kita sila
puro mga kotse at travel pinag-uusapan
eh wala naman ako nun!
okay lang sila?

(darna, 24)


-------------------------

hoy darna!

eh ano ngayon kung puro kotse at
travel pinag-uusapan nila?
eh ano kung wala ka nung mga yun?
eh sila- meron ba kung anong meron ka?
gaya ng sangkatutak na problema?
jowkh lng powhz, jejejejeje.
bawal ba mag-open ng ibang topic?
ano bang topic gusto mo - sex? love? life?
frustrations? friendships? money? religion? politics?
abah abah abah, lume-level up ka na! why not?
okay lang sila. ang tanong
okay ka lang ba?

(sakura)

Friday, December 4, 2015

kakaibang nanay

oist sakura!

kakaiba naman itong nanay ko.

sabi ng karamihan pangit ka na sa lahat pero
sa nanay mo maganda ka pa rin eh bakit
itong nanay ko kahit maganda naman
ako eh laging sinasabing pangit ako.
bakit ganyan sya?

(cherry, 17)


-----------------------------

hoy cherry!

porke sinabing pangit ka kakaiba na nanay mo?
hindi kaya 'di lang sya sinungaling?
gusto mo ba magsinungaling sya sa'yo?
bakit napakahalaga sa 'yo ang usapang pangit o maganda?
alam mo na ba talaga ang kahulugan nyan?
kung sinasabihan kang maganda ng iba,
naniniwala ka naman?
kung sinabihan kang pangit ng nanay mo,
naniniwala ka rin?
ikaw, ano tingin mo sa sarili mo?
'di ba 'yun ang mas mahalaga?
buhay pa nanay mo?
sana naman ha.

(sakura)

Tuesday, November 10, 2015

takbuhan lang lagi!

oist sakura!

asus! akala ko naman eh malalagay na

sa world record ang pasig kasi sa
wakas ay nalinis na yun pala
itong mga organisasyon ay
gagawa na naman ng
fun-run at break
record daw.
asus!

(melay, 19)


-----------------------------

hoy melay!

matagal na madumi at problemado ang pasig 'di ba?
medyo nalinis na sya ngayon 'di ba?
malabo namang ma-world record
yun saka-sakali di ba? asus!
ano bang problema mo sa fun-run at sa pag-break
ng record? 'di ba paraan din yun para
maipaalam at maparamdam sa
karamihan ang hangad?
bakit 'di ka na lang
sumali? ano na ba
nagawa mo para
makatulong?
asus!

(sakura)

Tuesday, October 6, 2015

masama bang maging masaya

oist sakura!

nakakabad-trip na itong rela-thief ko ha.
pinariringgan ako na madamot - 'di
ko sya pinapautang tapos daw eh
bumili ako ng bagong gamit.
hala! pakelam nya?!!!

(fernan, 35)


-----------------------------

hoy fernan!

pinapahalata mong sadya ang 'rela-thief'?
lagi ka na bang nakokotongan nyan?
'di ba desisyon mo naman kung
magpapa-utang o hindi?
'di ba pinaghirapan at pinag-ipunan mo yan
para matuwa ka naman sa sarili mo?
ano nga namang pakelam nya?
ano? ano? ano?!!

(sakura)