Friday, December 4, 2015

kakaibang nanay

oist sakura!

kakaiba naman itong nanay ko.

sabi ng karamihan pangit ka na sa lahat pero
sa nanay mo maganda ka pa rin eh bakit
itong nanay ko kahit maganda naman
ako eh laging sinasabing pangit ako.
bakit ganyan sya?

(cherry, 17)


-----------------------------

hoy cherry!

porke sinabing pangit ka kakaiba na nanay mo?
hindi kaya 'di lang sya sinungaling?
gusto mo ba magsinungaling sya sa'yo?
bakit napakahalaga sa 'yo ang usapang pangit o maganda?
alam mo na ba talaga ang kahulugan nyan?
kung sinasabihan kang maganda ng iba,
naniniwala ka naman?
kung sinabihan kang pangit ng nanay mo,
naniniwala ka rin?
ikaw, ano tingin mo sa sarili mo?
'di ba 'yun ang mas mahalaga?
buhay pa nanay mo?
sana naman ha.

(sakura)

Tuesday, November 10, 2015

takbuhan lang lagi!

oist sakura!

asus! akala ko naman eh malalagay na

sa world record ang pasig kasi sa
wakas ay nalinis na yun pala
itong mga organisasyon ay
gagawa na naman ng
fun-run at break
record daw.
asus!

(melay, 19)


-----------------------------

hoy melay!

matagal na madumi at problemado ang pasig 'di ba?
medyo nalinis na sya ngayon 'di ba?
malabo namang ma-world record
yun saka-sakali di ba? asus!
ano bang problema mo sa fun-run at sa pag-break
ng record? 'di ba paraan din yun para
maipaalam at maparamdam sa
karamihan ang hangad?
bakit 'di ka na lang
sumali? ano na ba
nagawa mo para
makatulong?
asus!

(sakura)

Tuesday, October 6, 2015

masama bang maging masaya

oist sakura!

nakakabad-trip na itong rela-thief ko ha.
pinariringgan ako na madamot - 'di
ko sya pinapautang tapos daw eh
bumili ako ng bagong gamit.
hala! pakelam nya?!!!

(fernan, 35)


-----------------------------

hoy fernan!

pinapahalata mong sadya ang 'rela-thief'?
lagi ka na bang nakokotongan nyan?
'di ba desisyon mo naman kung
magpapa-utang o hindi?
'di ba pinaghirapan at pinag-ipunan mo yan
para matuwa ka naman sa sarili mo?
ano nga namang pakelam nya?
ano? ano? ano?!!

(sakura)

Monday, September 7, 2015

pusang ina sya

oist sakura!

pusang ina ang nanay ko!

pusang ina sya talaga!
sinugod ba naman ako sa dorm at
hinamon ng away at ang sabi pa eh kasalanan
ko lahat ng kamalasan sa buhay nya!
sinaktan pa ako at nilagyan pa
ng pulbos ang pagkain ko!
pusang ina sya 'di ba?
pusang ina sya!

(dina, 22)



------------------------

hoy dina!

bakit ka sinugod ng nanay mo sa dorm?
bakit ka hinamon ng away ng nanay mo sa dorm?
bakit ka pinagbibintangan ng nanay mo na ikaw ang dahilan
ng kamalasan sa buhay nya at sinaktan ka jaan sa dorm?
teka, bakit ka nga ba nagpipirmi riyan sa dorm?
bakit naman nilagyan nya ng pulbos?
napagkamalan nya bang asin?
teka, kulang ba sa asin?
pusang ina ba talaga ang tawag sa ganyang nanay?
ang alam ko sa pusang ina ay mapagmahal sa
kuting eh,baka hindi pusang ina yan!
bukod sa nasaktan ka, apektado ka nga ba?
talaga bang may ganun kang kapangyarihan para
magdala ng sangkatutak na kamalasan?
nakakatakot ka naman pala.
hindi ba't lahat ng nangyayari sa buhay natin ay tayo tayo lang
din ang may gawa? hindi ba't ang nangyari sa buhay ng
nanay mo ay sya lang din ang may gawa?
'di ba parang magulo na rin ako?
oo nga. magulo na!

(sakura)

Tuesday, August 11, 2015

'di mahanap

oist sakura!

naglayas ang ate ko.

pinapahanap sa amin ng nanay ko.
pagod na kami ng kakahanap.
hindi namin mahanap.
ano ba naman 'to?
(mike, 19)

-----------------------


hoy mike!

kailan at bakit naglayas ang ate mo?
bakit naman pinapahanap pa?
eh naglayas nga 'di ba kaya
ayaw magpahanap nyan!
hello! nakakapagod maghanap ng ayaw
magpahanap kasi naglayas 'di ba?
antayin nyo na lang kaya na
magparamdam o lumitaw?
ipagdasal nyo na rin na
sana maliwanagan ang utak--- ng ate mo
ng nanay mo at kayo na naghahanap.
ambait ko 'di ba?
gudlak na lang!

(sakura)

Friday, July 17, 2015

naiipit sa tren

oist sakura!

may paraan ba para makasakay

sa LRT o MRT na 'di naiipit?
sobrang 'di ko na 'ata kaya!

(norbert, 26)


-------------------------

hoy norbert!


may iba pa bang paraan
ng pagsakay sa tren?
pare-pareha lang naman ah.
kaya ka naiipit kasi talagang masikip 'yan
kapag rush hour. maige yan kasi kahit
'di ka kumapit, 'di ka matutumba!
sa bungad na estasyon ka kaya sumakay o kaya sa 
9-10am at 2-3pm lang- meh posibilidad na 'di ka
maipit sa mga oras na 'yan.
teka, mataba ka ba?

(sakura)

Monday, June 22, 2015

porke kinakaibigan eh gusto na

oist sakura!

porke ba kinakaibigan mo ang tao

eh meh gusto ka na sa kanya?
ang labo naman nun!

(tiago, 22)



--------------


hoy tiago!

ano ba naman kasi ang isyu talaga?
anong bang ibig sabihin ng 'kinakaibigan'?
hindi kaya inaaya mo magmotel?
binibigyan mo ba ng pera, alahas o
mamahaling gamit? naku! maleh!
o kinakawayan at kinakamusta
mo lang at pinagapayuhan
paminsan-minsan? ...kasi
kung ganun, 'di kaya may topak yan?
lumayo layo ka na at baka
maglakad ka ng walang ulo kapag
nakipag'kaibigan' ka jaan.
ewan. malabo ka rin eh.

(sakura)