Saturday, July 1, 2017

palpak pa rin

oist sakura!

kahit ako ang masama ang loob
gumawa ako ng paraan na
maging okay kami.
tinawagan ko sya at ibinalita na top5
si ms.philippines sa miss universe.
nagalit pa, bakit kailangan ko
pa daw itawag ang miss
miss na yan!
grrrr!

(benuz, 23)

-------------------

hoy benuz!

kung ikaw masama loob bakit kaw pa gumawa ng paraan?
'di ba pwedeng sya naman mag-effort?
gusto mo maging santo?
at bakit sa lahat ng pwede mong ibalita
'yung miss universe pa?
pakelam nga naman
nya dun!
at josmeh! antagal
tagal tagal tagal
na nun! hmp!

(sakura)

Sunday, June 4, 2017

kami pa kaya

oist sakura!

nakakalito.
magjowa nga kami pero
bihira kami magkita
wala daw kasi syang pera.
'di rin sya gaano nagti-text o
e-mail man lang.
kami pa kaya?

(trizia, 25)


-------------------

hoy trizia!

sinubukan mo bang tumawag sa sinasabi mong jowa mo?
sinubukan mo rin bang itanong sa kanya
ang tanong mo dito?
kelangan ba ng pera para magkita kayo?
babaeng-bayaran ka ba?
ilang buwan na kayong ganyan?
kayo pa nga kaya?

(sakura)


Wednesday, May 17, 2017

pagod na ako

oist sakura!

pagod na ako.
dalawa na anak ko at hanggang ngayon
wala pa ring trabaho asawa ko.
dito pa sa amin nakatira ang kapatid nya na wala 
ring trabaho hanggang ngayon.
hanggang kelan ba 'to?

(arnel, 27)

---------------

hoy arnel!

bakit ka umaangal sa pagod eh kahit
mag-isa ka lang kelangan mo rin magtrabaho 'di ba?
sino ba ang dapat sisihin na magkaanak ka at
hindi magkatrabaho ang asawa mo?
sinubukan nyo na ba pag-usapan anong pwedeng maging
diskarte? sinubukan nyo na bang maghanap o
mahirap maghanap kasi may
mga batang alagain?
papaano nga naman 'yun?
anong drama ng kapatid na nanjan sa inyo?
palamunin? ay naku! yan ang problema.
hanggang kelan?
ikaw na lang kaya sumagot nyan.

(sakura)

Friday, April 7, 2017

porke matalino mayabang

oist sakura!

'di ko maintindihan ang mga pinagkukwentuhan
ng mga kaibigan ko kasi ingles sila
ng ingles tapos may mga acronym pa sila
na 'di ko alam ano ibig sabihin
tapos pag nagtatanong ako
nagtatawanan lang. hmp!
porke ba matatalino sila eh
magyayabang na?

(drew, 21)

----------------------

hoy drew!

ikaw ba ang kakwentuhan kaya't
pinuproblema mo yan?
gaano ba kahalaga sa'yo na malaman ang mga 'yun
at sobrang sama ng loob mo?
sinubukan mo na ba mag dogpile.com para lang
magka-ideya ka kung ano yun kung
ayaw ka nilang sagutin?
sigurado ka bang ikaw ang pinagtatawanan
o praning ka lang?
kapag nag-i-ingles at nag-a-acronym ba
eh matalino na? O.I.S., I.M.H.O. hindi naman siguro noh?
at kapag matatalino ba ay may karapatan na magyabang? L.O.L.
malay mo japeyks ang mga iyan.
chillax ka nga! research!

(sakura)

Friday, March 3, 2017

duda ako sa pinsan ko

oist sakura!

nagdududa na ako sa pinsan ko.
mula nung magresign kasi sya sa trabaho eh
lagi lang sya sa boardinghouse namin.
yung boyprend ko lagi ring nandun.
medyo gabi na ako nakakauwi.
parang kinakabahan ako,
baka meh nangyayari na sa kanila.

(rosa, 26)

-------------------

hoy rosa!

bakit ka nagdududa sa pinsan mo? malandi ba?
bakit sya nagresign? (teka, isyu ba ito?)
bakit laging nasa boardinghouse nyo ang boyprend mo?
wala ba syang trabaho o ginagawa?
bakit gabi ka na nakakauwi?
bakit ka kinakabahan?
malakas ba talaga kutob mo na meh
nangyayari na nga sa kanila?
bakit 'di mo subukang umuwi ng wala sa oras
nang malaman mo?
handa ka na ba?

(sakura)

Saturday, February 4, 2017

ang mahal maningil

oist sakura!

sobrang mahal naman maningil
nitong kasamahan kong may negosyo sa xerox.
mahigit sampung libo ang babayaran
ng isa ko pang kasamahan na
nagpaxerox sa kanya.
halos dalawang libo lang naman ang
pinaxerox. sobra 'di ba?

(caridad, 48)

----------------------

hoy caridad!

mahal nga pero
ikaw ba ang siningil?
ikaw ba magbabayad?
ikaw ba ka-transaksyon?
kung hindi naman, wag ka na makelam!

(sakura)

Monday, January 9, 2017

negosyo ko scam daw

oist sakura!

nakakainis naman

kung kelan nagiging okay na ang negosyong
pinasok ko ngayon tsaka pa ako pinagsasabihan
ng mga kaibigan ko na scam daw yun.
anova! eh totoong kayang kumita ako noh!
nabawi ko na nga ng ilambeses ang jis mil+ na puhunan ko
at andami ko na ngang nabiling kung anu-ano...
tapos ngayon pinamumukha nila sa akin scam daw.
paano pa ako magre-recruit nyan?

(abraham, 28)

--------------------------------



hoy abraham!

ano ba kasi 'yang negosyo na 'yan?

pa'no ka ba napasok diyan? jis mil+?
bakit ganyan na lang kung mag-reak mga kaibigan mo?
hindi kaya may basehan sila?
hindi kaya may nabasa o nalaman sila tungkol sa negosyong
yaan at nag-aalala lang sila para sa iyo?
sinubukan mo na bang aralin ang lahat tungkol sa
sinasabi mong negosyo? tiningnan mo na ba lahat ng
legalidad at kung anu-anong ek-ek ukol jaan?
hindi pa? susme! simulan mo na!
hindi kaya mas may kwenta ang oras mo kung
aralin mo ang mga sinasabi ng kaibigan mo 
kesa sa sumasama ang loob mo jaan? 
andali kaya malaman ng totoo
sa panahong ito 'di ba?
nag-aalala ka pa pa'no pa magre-recruit eh
'di ka na nga sigurado?  huh! mandadamay ka pa?!
makunsensya ka...aralin mo ulit! 
hoy! nakatanga pa 'to. now na!

(sakura)