Monday, June 20, 2011

mamatay na 'ata ako

oist sakura!
mamatay na 'ata ako.
andami kong naiisip at nararamdaman sa
katawan ko na parang mga senyales
na ng aking katapusan!
waaaahhhh!!!
(sally, 30)


-------------


hoy sally!
pa'no mo naman nasiguro na ang mga nararamdaman mo
ay mga senyales na? namatay ka na ba dati?
pa'no mo naman napagtanto na 'yan
na nga ang ending ng mga
senyales kamo?
ano ba ang maige, mag depres-depresan
ka sa nararamdaman mo o mamuhay
ng buo para naman 'pag nadeado
ka eh may kwenta kahit papano?
isa pa, dyos ka ba?
linshak naman...
pwede ba, iba naman ang problemahin mo?
'yang hindi loka-lokang utak mo ang dahilan o solusyon!
kuha mo?!
(sakura)

Monday, June 6, 2011

bozit na SSS yan!

oist sakura!
bozit na bozit ako sa SSS.
tatlong beses na ako pbalik-balik dun para mag apply
ng salary loan tapos kanina-kanina ko lang
talaga nalaman kung kelan tumawag na
lang ako, na meh problema pala
sa pag-encode ng data ko!
anak ng tinapa naman at nung tinanong ko
kung kelan ako pwede makapag loan eh
sinagot ba naman ako ng apat hanggang
limang buwan!
arrrrggghhh!
(namber39, 24)


hoy namber39!
at bakit dito ka nagwawala, SSS website ba ito?
at bakit pinaabot mo pa ng tatlong beses ka bumalik bago
ka nagtanong kung ano talaga ang problema?
ano ba talaga ang problema?
hindi mo pa ba pinaabot ang galit mo sa inyong kumpanya?
kung ipinaabot naman, wala ka bang balak magwala
para madaliin nila? samtayms it werks dir!
tadtarin mo kaya ng tawag hanggang
maubos ang load mo para makulitan sa 'yo...
dalawa lang naman papupuntahan nyan eh
ang madaliin nila o itapon nila ang
application form mo LOL
wag naman sana.
sya! gudlak na lang!
(sakura)