Sunday, February 27, 2011

walang makain pero may pamparebond

oist sakura!
parang ang OA naman nitong tita ko.
nagdadrama na sobrang hirap na ng buhay
at halos wala na syang makain pero
nung isang araw nakita ko naman
na nagpa footspa at nakapag
parebond pa ng buhok!
pweh!
(paz, 23)

hoy paz!
ikaw ba dinadramahan ng tita mo?
hinihingan ka ba ng pagkain?
kung hindi naman, ano inaangal mo jaan?
napagod ka lang ba kakapakinig?
eh 'di 'wag mo pakinggan!
nag aalala ka ba sa gastos nya?
eh 'di 'wag ka mag alala!
naiinggit ka ba kasi 'di ka makapagpa footspa
at makapag parebond ng buhok kasi inuuna
mo pa pagkain mo kesa sa mga 'yun?
abah, kung nais mong tumulad
sa kanya- go! para magduet
na kayo sa pagdadrama...
oh, ha?
(sakura)

Monday, February 14, 2011

echuserang hippo

oist sakura!
una hindi ko naman ka-close itong
echuserang ito. hamak na sidekick
lang siguro sya ng isa kong kakilala.
bakit kung mag-react eh parang
napakaraming alam sa world???
at kung makaasta eh kala mo
sundalong na warshock???
makealam ba sa usapan ng iba?
makegalitgalitan ba sa isyung
mukhang 'di naman sya kasali???
KSP ba itez?
(mcdogurl, 28)





hoy mcdogurl!
bakit ba pinag-aaksayahan mo ng panahon
ang echuserang ito kung 'di mo naman feel?
bakit ka ba affected sa kanyang pangengelam?
kasali ka ba sa isyung sinisingitan nya?
baka naman masyadong pamoso ang isyung
ito at nakikiambon lang sya ng limelight...
hindi kaya? weh, baka nga! kawawa naman.
pa'no naman naging warshock? bukod sa
nangengealam ba eh nang aaaway pa?
josko! ang extra gusto bumida?
eh kung ganun, ano ba ang dapat gawin---
ang patuloy na mainis at patulan sya
o putulin ang kanyang pangarap na
sumikat??? papano??? alam mo na yan!
(sakura)

PS. bakit echuserang hippo ang tawag mo
sa kanya dito? tama bang iassume ko na
mukha syang hippo? haroooojosko!

Saturday, February 5, 2011

naghahanap ng sariwa

oist sakura!
baka naman may mairerekomenda ka sa akin
na tsiks. mga ilang buwan na rin kasi
akong tigang at 'di nakakaano...
gusto ko medyo sariwa
mas mabilis uminit eh
kapag ganun.
meron?
(dany, 35)

hoy danny!
sa edad mong 'yan wala ka pang matinong
asawa? abah eh 'di na rin ako magtataka
kung ganun, sa libog mo ba naman?
namimili ka pa ng sariwa ha 'kala mo
napakayaman at napakabango
mo pa. bakit ko alam na hindi???
josme, kung mayaman at mabango ka
eh 'di sana 'di ka sumusulat at naghahanap
ngayon, 'di ba?at anong tingin mo sa akin bugaw?
tumigil ka nga at umayos sa buhay para naman normal
kang lapitan ng matino, 'di yang puro libog laman ng utak mo.
'di ka na bumabata koyah, magbago ka na!
(sakura)

Wednesday, February 2, 2011

maibabalik ko pa kaya?

oist sakura!

yung bespren ko ‘di na ako pinapansin.
nagalit ata sa ‘kin kasi meh gusto nalaman nya
na kapwa babae na ang gusto ko.
pa’no na yan, wala na bang paraan para
maibalik pagkakaibigan namin?
sayang naman.
(marshmallow, 28)



hoy marshmallow!
sapat ‘bang dahilan na itakwil ka ng kaibigan ang
pagkakaroon ng puso para sa kapwa babae?
wala na kayang ibang malalim lalim na
dahilan ang pag-iwas o ‘di papansin sa’yo?
gaano ba kahalaga ang pagkakaibigan ninyo para sa ‘yo?
wala ka na bang ibang maisip na paraan
upang maibalik ang pagkakaibigan nyo
kundi ang magtanong dito?
subukan mo kaya syang tanungin ng derecho?
siguradong handa ka ba sa sagot?
lalong sayang na kung hindi ka
gagawa ng hakbang…
(sakura)