Friday, December 21, 2012

mapang-asar na bossing

oist sakura...

parang timang lang ang bossing ko
imbes na tanungin ako eh iba pa tinanong.
tuloy, kung anu-ano pang narinig nya
na 'di naman tama o totoo.
bakit 'di na lang ako tanungin?

shiela, 38


-------------

hoy shiela!

parang timang ka lang din
pinagmana ka rin 'ata sa bossing mo eh.
imbes sya ang tanungin mo
eh sa 'kin ka nagtatanong, malay ko.
bakit 'di na lang sya taqnungin?

sakura

Wednesday, November 28, 2012

bakit sabi ng sabi ng happy

oist sakura!

bakit 'yang kaibigan ng asawa ko
laging nagtitext sa asawa ko na happy sya?
o 'di sige happy sya tapos?

(tokmol, 29)


-----------


hoy tokmol!

bakit mo alam na laging nag titext sa asawa
mo ang kaibigan nya na happy sya?
nangengealam ka ba ng cp nya?
eh ano ngayon kung nagtext sya
senyo na happy sya? affected ka?
hindi ka ba happy? kung happy din naman
eh 'di deadma na, happy ang lahat!
ano ba talaga ang isyu dito?

(sakura)

Tuesday, October 23, 2012

sino kaya sa kanila

oist sakura...

nalilito ako sino liligawan ko.
yung isa mahal ko pero 'di nya ako gusto.
yung isa gusto ko lang pero mahal nya talaga ako.
sino kaya sa kanila ang para sa akin?

(topet,29)

-----------------

hoy topet!

abah malay ko
'di mo naman sinabi rito kung
sino sa kanila mas maganda at mas masarap (kausap) eh
kasi dun na ako. yang gusto gusto at mahal mahal
kasi na 'yan eh natututunan lang 'di ba?
kanino ka ba mas kumportable?
saan ka ba liligaya, sa paghahabol sa wala
o sa pagsubok na mahalin ang nagmamahal sa'yo?
saan kaya? sino kaya?
ewan kaya.

(sakura)

Saturday, October 13, 2012

addict sa FB

oist sakura...

alam mo 'yang facebook?
nakakaadik pala yan 'noh?
adik na ata ako.

(pipoy, 19)

-----------------

hoy pipoy!

ano naman tingin mo sa'kin mangmang
at hindi alam ang fezbuk?
alam ko 'yan pero hindi naman ako na-addict.
ayoko naman magsayang ng oras sa mga bagay na
'di ko pinagkakakitaan bukod lang dito sa
letsugas na blag na ito!
ano namang nakukuha mo jan?
ano namang naitutulong sa'yo nyan?
hindi ka ba nakakalimot gawin
ang ibang gawain dahil jaan?
tama bang maging addict?
anong balak mo?

(sakura)

Wednesday, October 3, 2012

chismosang biyenan

oist sakura!

konti na lang talaga mapapatulan ko na
'tong biyenan ko.
hindi lang pakialamera,chismosa pa!
wala nang nakita kundi ako.
hindi porke sa kanila kami nakatira eh
gaganyanin nya ako lagi 'di ba?
alis na kami?

(selina, 36)

---------------

hoy selina!

kapag pinatulan mo ba may mapapala ka-
o baka lumala lang sitwasyon?
ano ba kasing pinakikialaman sayo at iritang irita ka?
ano bang chinichismis tungkol sa'yo at tipong
'di mo na ma-take? chismosa na ba ako?
bakit naman kasi kayo sa kanila nakatira?
'di ka ba napapagod sa ganyang set-up?
bakit hindi pa kayo umalis?
bakit nagtanong ka pa?

(sakura)

Sunday, September 30, 2012

bozit ang misis ko

oist sakura!

bozit ang misis ko!
lagi na lang akong minamata!
(pati mga kamag-anak nya!)
tao rin ako. nalimutan nya ba?

(aga, 34)

--------------

hoy aga!

aga ba talaga pangalan mo o agapito?
bakit ka muna minamata ng misis mo?
may trabaho ka ba?
may pera kang inaabot sa kanya?
may kwenta ka ba sa bahay nyo?
sagutin mo muna yan ha,
usap na lang tayo ulit.

(sakura)

Saturday, September 8, 2012

feeling mo crush kita?

oist sakura...


ang OA ha. reunion. 'yung dati kong klasmeyt
eh umatend din gaya ko pero ang weird
kung umasta sya eh kala nya crush
ko pa sya. nuon yun! abah!
20+ years ago. feeling???


sunny, 38




-------------------------------


hoy sunny!


eh 'di nawala ang pagka-sunny mo kasi nabozit ka?
bakit ka ba nabozit ha? ang tipid naman kasi
ng kwento mo! eh ano kung ganun sya
umasta? bakit ka affected? 20+
years na so -deadma!
sinubukan mong ngumiti lang at magremark na
na lang ng kung ano, like "haler! grow up!" ?
teka, haba ng hair mo ha? true ba talaga o
baka naman naaliw lang yun sa pag-
recall at ikaw ang nag fee feeling?!
weeh? shut up!


sakura

Monday, September 3, 2012

puro problema na lang

oist sakura!

nakakasuya na talaga.
lahat ng text at tawag sa
'kin puro problema ang laman.
wala na 'atang katapusan 'to! arrgh!

(jepoy,36)

-----------------

hoy jepoy!

nasusuya ka na nyan?
eh bakit mo binabasa o tinatanggap ang tawag?
bawal ba magpalit ng simpack?
ah, teka, baka mga life-and-death situation?
kamusta ka naman? pareha lang pala tayo kasi ako
puro problema, angal atbp lang din natatanggap ko eh pero
mas masaklap ang sa akin kasi 'di naman ako meh gawa eh yung
sa'yo, kaw ba meh dahilan bakit nagkakaproblema?
pataytayojan. o pa'no, ginagawan mo na ba ng hakbang para
matapos o mabawasan man lang 'yan?
arrgh! ka rin

(sakura)

Wednesday, August 22, 2012

paubos na pasensya

oist sakura!

paubos na pasensya ko sa kaibigan ko.
lagi na lang meh sinasabing gagawin 
pero hindi naman tinutuloy.
ang masama pa eh hindi naman sya nagpapasabi
na hindi matutuloy kaya't
mamatay ka sa kakaisip o kaya kakaantay.
paubos na talaga.
paubos na.

(misty, 33)

----------------------------

hoy misty!

sinanay mo ba sya na ganyanin ka lagi?
sinubukan mo na bang wag na lang
pansinin ang sinasabing gagawin
nya at tingnan na lang kung
may mangyayari?
umaasa ka pa ba na magbabago pa sya?
kung paubos na, paubos na nga 'yan.
pag ubos na talaga eh
ubos na 'di ba?

(sakura)

Sunday, August 5, 2012

walang isang salita

oist sakura...


kung ikaw ba 'di ka mapipikon?
pinangakuan ka na ibibigay sa 'yo 'yung
pinapagawa mo tapos makailang-beses mong
pina-alala kasi nga ilang araw na dumaan
lampas sa pangakong araw eh
wala pa rin?!


bruhilda, 30




----------------------


hoy bruhilda!


ako ba 'di mapipikon?
eh antagal ko na kayang pikon!
naapektuhan ka ba ng todo sa pagkabali
ng panagakong iyan? may mga kita bang nawala
o nailagay ka sa alanganin? hindi ba nag-update
kwento man lang o nagpahiwatig kung
ano na nangyayari sa inaantay mo?
eh kung hindi...haroooooo!
'di lang kakapikon ha
kakabozit pa! amp!


sakura

Wednesday, July 25, 2012

ang daming ipis

oist sakura!

ang daming ipis sa amin.
nakakainis! nakakadiri!
bakit kaya?

(rozie, 31)

--------------------------

hoy rozie!

maraming ipis sa inyo?
nakakainis nga! nakakadiri pa!
bakit kaya?
kaw kaya sumagot sa tanong mo!
nililigpit mo ba basura?
hinuhugasan mo ba agad pinagkainan?
pinupunasan mo ba lamesa?
kung sa tatlong yan eh puro ngiti lang sagot mo,
aydyosko! goodluck!

(sakura)

Friday, July 20, 2012

kapal ng mukha

oist sakura...


kapal naman ng mukha nitong ex-gelprend
ng ex-boyprend ko. nilalagay nya pa
sa fezbuk profile ang picture nila ng
ex-boyprend ko eh wala
na naman sila matagal na.
'di naman sa nakekealam ako pero
ang kapal talaga nitong babaing ito...
ambisyosang prag!


nanet, 24




-----------------------------------------




hoy nanet!


bakit sinisilip mo fezbuk ng ex-gelprend ng
ex-boyprend mo?
bakit apektado ka pa kung trip nyang ilagay
sa profile ang picture nila ng ex-boyprend mo?
hindi ba pareha na kayong mga ex ng
lalaking 'yan, bakit parang
timang ka at nakikialam sa kilos nitong isa?
kung concern ka lang, 'di kaya maigeng kalimutan mo na?
kung inggit ka lang, bawal bang gayahin mo rin gawa nya?
ay oo, ilagay mo rin ang pic ninyo at itag pa sya!
pati 'yang ex-boyprend ninyo itag mo na rin
para kumpleto ang saya! bozit!


sakura

Saturday, June 23, 2012

ayoko na nitong antibiotic

oist sakura!

ayoko na nitong antibiotic
nakakasuka na inumin.
tutal magaling na naman ako eh.
itigil ko na kaya?

(abby, 28)

-------------------

hoy abby!

doktor ka? di ba sabi sampung araw mo
dapat inumin yan? pang-ilang araw na ba?
kung di pa umabot ng sampu, di mo pa nga pwedeng itigil yan
o itigil mo kung gusto mo pero bahala ka kung ano
mangyayari sa iyo sa susunod.
narinig mo yung 'antibiotic resistance' or teka,
'resistance to antibiotics' ba yun?
i-dogpile.com mo na lang, tinatamad ako eh.
subukan mo ring tanungin doktor mo ha
para mapagalitan ka. hahaha

(sakura)

Tuesday, June 19, 2012

O.C. na roommate

oist sakura!

ang O.C. ng roommate ko.
araw-araw 'pag dumadating naglilinis
ng kama (at area) nya at nagpapagpag ng
pagkalakas-lakas!
nagwawalis na parang wala ng bukas.
at laging nakasimangot kasi kami
ay 'di gumagaya sa gawa nya.
okay lang sya?

(carissa, 24)

----------------

hoy carissa!

O.C. as in OC talaga?
'di ka pa masaya at mapaglinis sya?
naiingayan ka ba sa pagpag o
naiinis ka sa alikabok 'pag nagpapagpag o
naasar ka kasi feeling mo eh
pinaparamdam nya na dugyot ka?
bakit mo pa pinapansin,
mamatay sya sa kakasimangot!
sino bang papangit sya rin 'di ba?
okay lang ba sya? oo. hindi. ewan.
magwalis at magpagpag ka rin kaya 'pag andiyan sya
lakasan mo rin at sumimangot ka rin-
ano kaya mangyayari?

(sakura)

Wednesday, June 13, 2012

wala nang libog



oist sakura...


ano ba naman itong asawa ko?
parang wala nang libog na natira 
sa katawan. bihira na lang kami
mag alam-mo-na. pasalamat sya
'di ako naghahanap sa labas.
pa'no ko sasabihin? ano
ang dapat kong gawin?


jastin bibo, 39

----------------

hoy jastin bibo!

ang tanong, kaaya-aya ka ba naman
para sa alam-mo-na kapag oras
na ng pagtulog?
maayos ba ang mga dati mong
perpormans na siguradong
'di ka nya tatanggihan?
nakakalibog ba ang lugar
na inyong tinutulugan?
baka naman puno ng mga bata
at kung anu-anong kalat?

tumutulong ka ba sa mga gawaing-bahay
para hindi pagod ang katawan nyang
asawa mo at may lakas pa para sa
sinasabi mong alam-mo-na?
dapat ba syang magpasalamat pa
o baka ipinagdadasal nya na
rin sana na lumayas ka na
at maghanap ng iba...
[ibang asawa at ibang bahay!]
kasi wala ka nang kwenta?

esep esep...


sakura

Thursday, May 31, 2012

malibog na gurang

oist sakura!

mag-reresign na ako sa pagkasekretarya.
kasi ba naman andaming
pinapagawa sa'kin na
'di na sakop ng trabaho ko.
ang pinakamasaklap pa, yung boss ko na
gurang inaya ba naman ako
magcheck-in! goodness!

(babe, 30)


----------------------

hoy babe!

sigurado ka na ba sa desisyon mong magresign?
hindi kaya 'di mo lang keri mga demands
ng work kaya hirap ka?
bakit ka naman inaya ng gurang boss
na magcheck-in?
'kaaya-aya' ba ang personalidad mo?
watayminiz, chura mo ba ay
tipong pumapayag sa
ganon?
hmmmmmmmm

(sakura)

Monday, May 7, 2012

nagkaka UTI lagi

oist sakura!
normal ba ang magka-UTI palagi?
nagkaka UTI ako kapag nag aano kami ng ano ko eh.
pansin ko nga kapag nag aano lang kami pero
kapag hindi naman eh hindi naman.
ansakit at ang kati sobra ha.
ano kaya pwede kong
gawin dito?
(rosarina, 30)

-------------------

hoy rosarina!
ano ba naman tingin mo sa akin doktor?
nagkaka UTI din ako pero hindi naman palagi kaya
'di ko alam kung normal ba yan o ano. pero
ang alam ko, dala yan ng mga bacteria na
malapit sa ano mo na naipapasok ng
ano nya kapag nag aano kayo eh.
gets mo? ikaw nagsimula ng ano ano na yan 'di ba?
naglilinis ba kayo ng mga ano bago mag-ano?
nililinis mo ba ang ano mo pagkatapos?
baka makaiwas ka sa ganun sakali.
sinubukan mo inuman ng maraming maraming tubig?
sinubukan mong inuman ng pure cranberry juice?
sinubukan mong magpacheck-up sa doctor?
sinubukan mong wag na lang mag ano?
subukan mo kaya muna.
ang alin? ang lahat!
bahala ka na!
(sakura)

Friday, April 27, 2012

negang- nega

oist sakura...


alam mo hindi ko alam kung
maaawa o maiinis ako sa kaibigan ko
sa mga FB wallpost nya.
puro kasi pang-aaway pero hindi
naman nakalagay kung sino ang kaaway
nya. kaya umaga pa lang kapag
nag-e-FB ako eh nawawalan ako
ng gana kasi tumatambad
sa akin ang mga posts nya.
haaaaaaay!


mantoy,35

-------------

hoy mantoy!

hindi mo ba alam na simple
lang ang solusyon sa
pinuproblema mo???

eto:
buksan mo ang profile nya.
hanapin mo ang UNSUBSCRIBE,
'yun! hindi mo na makikita ang
mga posts nya.

o 'di kaya eto:
buksan mo ang profile nya.
hanapin mo ang UNFRIEND o kaya
DELETE from friends list.
ewan, sigurado ako meron nyan.
mag-explore ka nga!

sakura

Tuesday, April 17, 2012

titser ko- pala ingles!


oist sakura…

‘di ko naman maintindihan ang titser ko
sobra naman kung mag-ingles, ambilis!
‘di nya ba naisip na hirap ako
at kahit naman siguro mga
kaklase ko noh!

susan, 16

-----------------

hoy susan!

bakit ‘di mo maintindihan ang ingles
eh disisais ka na ah! Kahit bubwit
nakakaintindi ng ingles ‘diba?
bakit ka nabibilisan, mabagal ka ba?
hmmm, hindi kaya mabagal at
tamad ka lang aralin ang
mga sinasabi ng titser?

at may gana ka pang idamay
ang mgakaklase mo ha?
bawal ba magsuggest sa titser mo na
bagalan nya ang ingles?
‘di mo sinubukan noh? takot
kang mabisto na ikaw lang
ang slow? ay naku, goodluck!

sakura

Monday, April 9, 2012

gusto kong kumanta

oist sakura!

gusto kong kumanta.
okay lang kaya?

(she-ra, 33)


-----------------

hoy she-ra!

ikaw ba yung superheroine nung kapanahunan ko?
kung ikaw nga- sa lakas ng boses mo, pwede!
ang tanong, nasa tono ka ba?
itanong mo muna sa iba ha kasi kung
ikaw lang ang sasagot at sasabihin mong 'oo'
hay naku, magdududa ako.

(sakura)

Tuesday, March 20, 2012

hindi nya alam malandi sya

oist sakura...


parang di ata alam ng gelprend ko na malandi sya.
ay oo, nagustuhan ko sya dati kasi nilandi ako,
akala ko cool yun eh...pero ngayon
nabobozit ako, kasi kahit kami na
eh lumalandi pa rin sya sa iba...sa FB atbp.
kapag kinakausap ko naman tungkol dun eh 
nilalandi lang ako kaya nalilimutan ko din pero
ngayon desidido na ako na makipag-break sa kanya.
tama naman di ba?



samwel awtder, 20





-----------------------------


hoy samwel awtder!


eh ikaw nga nadala sa kalandian yung iba pa kaya?
kung nag-enjoy ka sa kalandian nya, 'di kaya enjoy din ang iba?
sya ba ang tipong siniseryoso o tipong nilalandi lang din?
sya ba ang nais mong pakasalan o ahemahemin lang?
wala na bang pag-asang mabago pa 'yan?
kung sa tingin mo wala, baka wala na nga!
 
'di ka ba masasaktan kapag nakipag-break ka
tapos nakikita mong todo na ang paglandi sa iba?
di ka ba manghihinayang na ang laruan mo dati 
ay pinaglalaruan kasi nagpapalaro na sa iba?
eh kung hindi naman, bakit nag-iisip ka pa?
breakan na kung bre-breakan!


sakura

Tuesday, March 6, 2012

kung makautang parang may ATM sa 'kin

oist sakura...

grabe ang ate ko ha, kung makautang parang
meh pintagong ATM lang. ni walang
intro o pangangamusta, basta
magsasabi lang ng "baka may extra kang pera
pahiram naman". kung 'di ka rereply eh sasama loob.
at kung 'di ka papautang eh wala ka nang kwenta. linshak!
ano gagawin ko?

gemma west, 25


----------------------------------

hoy gemma west!

hindi kaya may ATM talagang pinatago ate mo sa 'yo?
wala ka bang balak kalkalin at alalahanin, baka mapahiya ka lang!
eh kung wala naman, eh di wala! wala ka bang maipapahiram?
baka naman meron, wag ka madamot!
kasi kung 'di ka nga magpapahiram, wala kang kwenta! LOL
 hindi ba extra naman ang sabi nya?
eh bakit 'di mo replayan na "kahit kelan ate 'di ako nagkaextra!"?
mareply ka para walang samaan ng loob!
magpahiram ka para may kwenta ka!
teka, nagbabayad ba? hindi?!
waaaahhh! bahala ka na!

sakura
 

Saturday, February 4, 2012

pabigat daw ako

oist sakura...


pabigat daw ako sabi ng kuya ko
yan din ang sabi ng nanay ko
yan din ang naiisip ko
siguro nga pabigat ako noh?
ang hirap kasi maghanap ng trabaho
kapag walang pamasahe at ewan
matanda na kasi ako
kaya madalas TV
na lang. takas sa mundo!
pagod na ako!


(marietta, 38)


-------------------------------------------


hoy marietta!


pongyetta ka
nagtanong ka pa kung pabigat ka
eh yan naman pala sabi ng ate mo at kuya
at yan na rin ang sabi ng isip mong malagaga.
oh sige, tapos na ang usapan
napagod ka na makipagsapalaran
kasi nga't kapos ka at may katandaan.
pero kung TV at TV ang nasa harapan
eh hindi ka nga naman pagaan!
kung hindi ka pagaan- ano ka?
kung hindi ka pabigat o sya! sya!
anong pwede mong gawin para maging pagaan?!
isip! kilos! isip! kilos! isip! kilos!
ikaw na lang please, ikaw na ang tumapos!


(sakura)

Thursday, February 2, 2012

nakakabozit ang bait!

oist sakura...


plastik naman nitong kakilala ko
kahit anong gawin kong pang-iinsulto ay
kinakaibigan pa rin ako...
nakakabozit kaya- hindi ba?
atat na atat na akong mang-insulto o
makipag-away tapos didedmahin lang ako.
ay teka, hindi nga nande-dedma eh
tinatapatan ako ng bait- kakaloka!
plastik! japeyk! pweh!


janessa, 26

-----------------------------------------


hoy janessa!


ikaw na pinagmamabaitan ikaw pa may ganang mabozit?
ikaw na pinagmamagandahan ng loob ikaw pa may
ganang sumulat dito at umangal?
ikaw na ang masama ang ugali ikaw pa ang
parang 'di mapakali sa asar?
eh asar-talo ka!
problema lang naasar ka sa kabaitan.
problema lang naasar ka sa kabutihan.
problema lang naasar ka sa bagong laban.
eh buti nga sa'yo!
porke dinededma pambobozit mo, plastik?
porke tinatapatan ng bait kademonyahan mo, japeyk?
pweh!-hin mo mukha mo!
KSP ka! maghanap ka ng ibang bobozitin!


(sakura)

Monday, January 30, 2012

lalayas nako sa FB group

oist sakura...

gusto ko na lumayas sa FB group ko
kasi ang admin eh nakakaasar.
post nya, like nya, comment nya pa!
wala pa sa tono magbiro kala mo
eh super ka-close nya lahat
at super ka-edad nya eh gurang na
sya noh! isa pa, kung makapag-ingles
kala mo naman meh natapos sa kolehiyo
eh ang rinig ko eh wala!

ginalyn, 19

-----------


hoy ginalyn!

kung gusto mo lumayas, eh di lumayas ka!
bawal ba lumayas kapag sumali ka sa FB group?
paki mo sa post nya, like nya at comment nya?
eh group nya yun eh, gawa ka ng group mo
kung gusto mo at gayahin mo sya! LOL
ka-close nya naman siguro at ka-edad nya
lahat sa feeling nya so deadma na!


anong problema mo sa pag-ingles nya?
di mo ba naiintindihan o nabobozit ka lang?
di ka ba pwede mag-ingles ingles din?
kahit naman siguro ikaw eh sasang-ayon
sa akin na di lahat ng nakatapos ng
kolehiyo eh may kwenta...pero lahat ba ng
magaling mag-ingles ay may kwenta?

sakura