Sunday, January 10, 2016

ayoko makita mga klasmeyt ko

oist sakura!

ayoko makita mga klasmeyt ko.
kasi naman kapag nagkikita-kita sila
puro mga kotse at travel pinag-uusapan
eh wala naman ako nun!
okay lang sila?

(darna, 24)


-------------------------

hoy darna!

eh ano ngayon kung puro kotse at
travel pinag-uusapan nila?
eh ano kung wala ka nung mga yun?
eh sila- meron ba kung anong meron ka?
gaya ng sangkatutak na problema?
jowkh lng powhz, jejejejeje.
bawal ba mag-open ng ibang topic?
ano bang topic gusto mo - sex? love? life?
frustrations? friendships? money? religion? politics?
abah abah abah, lume-level up ka na! why not?
okay lang sila. ang tanong
okay ka lang ba?

(sakura)