Tuesday, August 31, 2010

masakit sa ulo

oist sakura!
masakit na sa ulo ang gradweyt skul.
basa ng basa, sulat ng sulat, dagdag mo pa mga
feelingers na classmate. hmp!
makagraduate kaya ako dito?
(emalyn, 47)

hoy emalyn!
sino ba kasi nag-utos sa'yo na mag graduate school ka?
'di ba dapat hingan mo ng advil supply kung sino man yun?
bakit ka affected sa feelingers na classmates?
may problema ka ba sa pag deal?
'kaw naman kasi pumayag na mag graduate school
eh kaya ibabato ko na lang sa'yo...
makagraduate ka kaya diyan?
(sakura)

Thursday, August 26, 2010

sikretong tatay

oist sakura!
tatay na ako.
nasa tamang edad naman na ako at
nakatapos na ng pag-aaral pero yung gelprend ko
hindi pa eh. hindi pa kami kasal.
oo alam ko mali pero eto na eh, 'di bale na.
pero pamilya pa lang ng gelprend ko ang meh alam
at ang tatay ko-- kasi nahihiya akong
sabihin sa ibang kapamilya ko eh.
hay, paano ba yan?
(carlito, 22)

hoy carlito!
tatay ka na? masaya ka dapat nyan!
nasa tamang edad ka na at nakatapos ng pag-aaral 'di ba?
yung gelprend mo hindi pa tapos ng pag-aaral?
hindi pa kayo kasal?  bakit?
alam mong mali? bakit 'di bale na?
pamilya lang ng gelprend mo meh alam?
at ang tatay mo? okay lang kayo?
kelan nyo balak ipagsabi yan?
ngayon ka pa nahiya?
paano nga ba?
(sakura)

Wednesday, August 25, 2010

aswang na kuya

oist sakura!
aswang 'tong kuya ko.
inuutangan mga kaibigan ko (sa
pamamagitan ko), kala ko naman kasi
babayaran nya agad hindi pala!
wala naman akong maitapal kaya hiyang-hiya
na ako sa mga kaibigan ko.
magtago na ako?
(zely, 22)

hoy zely!
aswang talaga kuya mo?
hindi kaya bampira kasi nang-uubos ng pera
at pasensya at hiya? patay ka jan, nakakahiya nga!
wala ka ba talagang pambayad (pantapal)?
anong sabi ng kuya mo? anong balak mo?
hindi kaya mas maige na ipaliwanag mo na lang sa mga
kaibigan mo at subukang bayaran sila pa unti-unti?
'di ka kaya nila maintinidihan kapag ipinakita mo naman
na pinagsisikapan mo maituwid ang lahat?
natuto ka na ba sa pangyayaring ito? uulit ka pa?
magtago? huwag! mas nakakahiya yun!
(sakura)

Sunday, August 8, 2010

nabawasan ang pag-ibig

oist sakura!
paano kaya ito?
parang pakiramdam ko
nabawasan na ang pag-ibig ko
sa gelprend ko.
(jackiechan, 25)

hoy jackiechan!
paano mo natimbang o nasukat
ang pag-ibig mo? parang ganito ba---
dalawang kilo dati tapos tatlong guhit na lang ngayon?
umayos ka nga!
natural lang ang manlamig minsan
pero kung gagawin mong isyu yan eh
talo ka lang, talo rin ang gelprend,
talo tayong lahat na may respeto pa sa pag-ibig.
kaya pwede ba tigilan mo yang drama mo?!
(sakura)