oist sakura...
tulungan mo naman ako sa aking
problema dito sa kaibigan ko.
medyo 'di ko na kasi keri
'yung lagi nyang pagsabi
na walang dyos...
'di naman ako relihiyoso pero
katoliko ako...pero kaya ko naman
syang kaibiganin pero nakakasawa na
'yung lagi nyang sinasabi na walang dyos
at kung anu-ano pang mga tinatanong nya
sa akin tungkol sa dyos at sa mga nasa bibliya..
samuel, 20
-----------------------------
hoy samuel!
hindi ba pwedeng pagsabihan mo nang
derecho yang kaibigan mo na 'di mo na gusto
ang lagi nyang pagbanggit at pagkwento sa'yo ng
kung anu-ano tungkol sa paniniwala nya?
kung kaibigan mo talaga sya
eh hindi 'yan mawawala sa'yo bangkus
ay mapapaisip sya ...kesa naman ikaw ang
namumrublema nang hindi nya alam 'di ba?
ano palang problema kapag tinatanong ka?
hindi ka siguro makasagot noh?
aba 'di kaya panahon na para matuto ka?
para 'di ka na matameme sa kanya?
at teka, kung naniniwala syang
walang dyos, bakit ba parang
mas lagi nya pang naiisip ang
dyos kesa sa iyo?
hmmmm...
sakura