oist sakura!
itong kapatid ko'ng may pamilya na
ay 'di ko ma gets ang drama!
magti-text at mangangamusta pagkatapos ay
tatanungin ka kung may kinakain ka pa,
nakakaloka 'di ba? kung kakamustahin
mo naman ay sasagutin kang okay
lang sya at may pahabol pang
"mas okay pa ako kesa sa'yo"
'di kaya nasasaniban na ito?
ano ba talaga ang drama nya?
(maelene, 36)
--------------------------------
hoy maelene!
sigurado ka bang hindi lang drawing ang kapatid
mo na iyan? kakaiba naman at mukhang
nakahithit 'ata ng katol! hindi kaya?
pinapalabas ba nya na wala ka na'ng makain?
wala ka na nga ba'ng makain? mukhang meron pa naman siguro,
nakakainternet ka pa eh at mukhang wala namang malubhang karamdaman
sa litratong nilakip mo...at bakit may mga pahabol pang ganun ang
ibang text nya? may malaking pagkakautang ka ba sa kanya?
kung wala naman, anong karapatan nyang
mambozit ng ganyan?
talaga bang hindi ka na okay? kung hindi ka nga okay o
totoong mas okay sya kesa sa iyo, ano pa rin ang drama nya at
kelangan nya pang sabihin yun? teka, ako nga pala ang tinatanong mo ano?
sa totoo lang, 'di ko rin sya ma gets. autistic ba sya? nahulog sa
duyan nuong bata pa? uhaw sa atensyon at kalinga?
o trip lang talagang mang-asar? abah!
'di kaya maigeng ipamental nyo na sya?
magpakalayo-layo ka na kasi mukhang tama ka
sa dudang nasasaniban sya. tsk tsk kawawa
naman. gudlak! na lang ha?
(sakura)