oist sakura!
marami kaming magkapatid
at medyo taghirap ngayon kaya
talagang hati-hati sa ulam sa bahay.
itong kuya ko, sobrang takaw naman,
higit pa sa parte nya ang kinakain kaya
tuloy yung huli sa kainan (kadalasan ako)
eh nauubusan ng ulam.
nakakainis talaga 'di ba?
anong gagawin ko?
(jonjon, 17)
-------------------
hoy jonjon!
ilan kayong magkakapatid- sobrang dami ba?
ngayon lang kayo taghirap? kami mula nuon pa.
sino naghahati-hati ng ulam? tama ba pagkakahati?
kuya ba talaga yang sinasabi mo, bakit
parang bunso kung umasta?
bakit ka nahuhuli lagi sa kainan?
may mga mas mahalaga ka pa bang ginagawa?
baka akala hindi ka na kakain kaya
nanghinayang na magtira pa ang kuya mo?
pero kung dahil sa takaw lang, nakakainis nga!
ano bang dapat mong gawin?
eh 'di wag magpahuli sa
lamesa? obvious ba?
or else, haay.
(sakura)