Sunday, May 22, 2016

nakipag-break na ako

oist sakura!

nakipag-break na ako sa boyprend ko.
kasi sinabihan nya ba naman ako
na mahal nya pa raw ako pero
'di na gaya ng dati.
amp! ano yun?

(kristin,19)


-----------------------------

hoy kristin!

ikaw ba yung gelprend ni jackiechan?
(pakibasa ang kahapon)
susme! eh 'di sana tinanong mo
na lang din kung pa'no nagkaganon
at kung meh magagawa pa.
bakit ka naman nakipag-break agad?
ano naman ang gusto mo,
magpanggap sya?
magpasalamat ka na lang kaya
na binuksan nya ang topic
para makaisip kayo ng
paraan na muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.
teka, kanta ba yun?
ano yun? ewan.

(sakura)

No comments:

Post a Comment