Tuesday, August 11, 2015

'di mahanap

oist sakura!

naglayas ang ate ko.

pinapahanap sa amin ng nanay ko.
pagod na kami ng kakahanap.
hindi namin mahanap.
ano ba naman 'to?
(mike, 19)

-----------------------


hoy mike!

kailan at bakit naglayas ang ate mo?
bakit naman pinapahanap pa?
eh naglayas nga 'di ba kaya
ayaw magpahanap nyan!
hello! nakakapagod maghanap ng ayaw
magpahanap kasi naglayas 'di ba?
antayin nyo na lang kaya na
magparamdam o lumitaw?
ipagdasal nyo na rin na
sana maliwanagan ang utak--- ng ate mo
ng nanay mo at kayo na naghahanap.
ambait ko 'di ba?
gudlak na lang!

(sakura)

No comments:

Post a Comment