oist sakura...
bakit naiinis ako sa pinsan ko?
lahat na lang kasi ng kinakaibigan ko
ay kinakaibigan nya tapos parang
naagawan uloy ako ng kaibigan.
tama ba na 'di ko na lang sya pansinin
at mag-pokus na lang ako sa mga
kaibigan ko at iparamdam sa kanya
na 'di sya kasali sa mundo ko?
yenyen, 30
---------------
hoy yenyen!
hindi kaya masyadong matanda ka na
para sa mga selos o inggit o mga
isyung teritoryo pagdating sa
pagkakaibigan o pakikipagkaibigan?
ang alam ko sa mga dramang ganito ay
usapang pang-elementary eh...
agawan ng kaibigan? HAHAHA
hindi mo ba pwedeng pasalamatan na
lang kasi ang pinsan mo ay hindi
isnabera sa mga kakilala o mga
kaibigan mo. eh ano kung
makipag-kaibigan din sya duon?
pag-aari mo ba 'yung mga taong yun?
mahiya ka naman. teka, may takot
ka ba kasi mas maigeng kaibiganin
ang pinsan mo kesa sa iyo? at baka
mamulat sa katotohanan mga kaibigan
mo na may lahing bruha ka? (jowk)
ewan ko sa 'yo! kung sasagutin
ko lang ng diretso ang tanong mo eh eto
ang mga sagot- tanungin mo sarili mo.
at eto pa - gawin mo kung kaya mo, pero
walang sisihan kung sa huli
mag-iisa ka na lang sa
sinasabi mong mundo.
amen?
sakura
No comments:
Post a Comment