Saturday, September 10, 2016

kung makare-ak parang sa kanya pera

oist sakura...


tanging-ina naman si kuya
kung maka-reak sa bagong negosyo ko
eh parang kanya ang perang ginamit ko...kesyo
scam daw, kesyo pyramid daw, kesyo 
iiyakan ko lang daw kapag nalugi 
ako at 'di umubra 'to...
eh sya nga, tambay at palamunin pa sa
amin hanggang ngayon eh!


brad tripp, 17


--------------------------------


hoy brad tripp!


pa'no naman naging tanging ina yan eh kuya pala?
kanino ba ang perang ginamit mo?
pyramid o scam peke nga ba
yang pinasok mo?
eh kung hindi naman, bakit ka nagpapaapekto?
kung inaral mo at nakitang sa umpisa pa lang eh 'di ka
naman nalugi, may posibilidad ba na iiyakan mo pag 'di umubra?
eh kung wala naman, 'di ba dapat chillax ka lang?
'di ba dapat patuloy ka lang at nang umubra
naman at mapatunayang 'di ka gaya nya?



sakura

No comments:

Post a Comment