Monday, January 26, 2015

'di naman pinangatawanan

oist sakura!
nakakainis ka naman!
lagi ako nasilip dito eh huling
gawa mong maramihan eh antagal na.
wala bang bago?
wala na bang sumusulat sa 'yo?
o baka naman tinatamad ka na sumagot.
ano ba? gagawa gawa ka nito
'di mo naman pinangangatawanan!

(bebehgehl, 30)


------------------------

hoy bebehgehl!

pa bebehbebehgehl ka pa eh trenta ka na pala!
ano bang paki mo kung nananahimik ako?
malay ko ba na araw-araw ka
naghihintay? eh 'di sana nung isang taon mo
pa sinabi 'yan eh bakit 2015 na?
eh sa napagod ako magbukas ng email eh!
eh sa tinamad ako bigla eh!
eh sa andami ko pang ginagawang mas importante!
eh sa ...eh sa... eh sa nalimutan ko 'to eh!
sorry! tao lang!

(sakura)

No comments:

Post a Comment