Wednesday, February 4, 2015

wala na sya

oist sakura!

sobrang lungkot ko ngayon.
umalis na kasi ang aking bespren.
eh sya alang 'yung kaisa-isa at sya lang
rin 'yung nagbibigay sa akin ng tsaa at vitamins
at kung anu-ano pa at sya lang nagpapasensya sa
lahat ng mga masamang epekto ng nakaraan ko...
ngayon wala na sya.
nag abroad na. ano pang silbi ng aking
pagsubok na magbago at mamuhay ng maayos?
para saan pa?

(sander, 25)


-------------------

hoy sander!


sobrang lungkot mo? paki ko?!
hahaha. biro lang ha, wag mapipikon!
ano ba talaga kasi ang papel ng bespren sa buhay mo?
nalulungkot ka ba kasi malayo na sya o
kasi wala ka ng suplay ng tsaa at iba pa?
kung makapag emote ka eh parang namatay na ah!
hindi ka ba pwedeng  bumili ng sarili mong tsaa atbp?
hindi ka ba pwedeng mag reach out sa kaibigang iba?
hindi mo ba pwedeng besprenin na lang sarili mo?
hindi ba sayang naman ang nasimulan mong
pagbabago ng bespren mo kung 'di mo itutuloy?
anong ano pang silbi? huh!
anong para saan pa? huh!
eh 'di para sa 'yo! (ang laban na 'to)
punch! punch! punch!

sakura

No comments:

Post a Comment