Thursday, December 13, 2018

ayoko na magbasurero

oist sakura!

lagi na lang ako tigatapon
ng basura sa kusina ng dorm namin.
hindi lang naman ako ang nagluluto pero
ako lang ata ang nakakapansin na
iniipis na sya kaya dapat na
itapon. ayoko na!

(dude, 22)

--------

hoy dude!

bakit mo itinatapon lagi kung
hindi lang naman pala ikaw gumagamit?
bakit hindi ka na lang gumawa ng
sarili mong basurahan para yun lang ang itapon mo?
hindi ba pwedeng hindi ka na makiluto rin
sa kusina ninyo para wala ka na isipin
o pandirihan na mga ipis?
kung ayaw mo na, lalo naman ako! ew!

(sakura)

Friday, November 9, 2018

kala nya lang secret

oist sakura!

yung kaibigan ko may secret.
eh nalaman ko. nalaman nya na nalaman ko
kaya kinausap nya ako na isecret lang daw talaga.
ako naman sinecret ko nga pero
nalaman ko na hindi naman pala talaga secret yun.
kasi alam na ng halos lahat except lang sa
tatay nya at dalawang kapatid na lalaki so ang tanong ko.
secret pa ba yun?

(rey, 23)

--------------

hoy rey!

kung secret nya yun bakit nalaman mo?
kung alam mo na pala, bakit pinapasecret pa?
kung hindi na naman pala secret, bakit sinisecret pa?
anong meron sa tatay at sa mga kapatid bakit napakahina
naman ata pumik-up ng mga secret na si secret?
kasi kung sila na lang ang 'di nakakaalam
sa secret, malapit nang mawala ang
secret di ba? so ang tanong ko
anong secret ba yun?

(sakura)

Thursday, October 25, 2018

walang kwentang alila

oist sakura!
napakawalang-kwenta naman nitong alila ko.
bukod sa tanghali na gumising eh napakabagal pa kumilos.
at naku ha, pasaway, 'di naliligo ng maayos at ang baho ng kwarto.
dagdag pa, ang bagal ng pick-up, ang hina ng utak!
naku! nauubos na talaga pasensya ko!
paalisin ko na?
(jaya, 45)

------------------------

hoy jaya!
kaya nga alila 'yan kasi hindi kasing talino mo 'di ba?
matalino ka nga ba o naging mas mayaman lang sa kanya?
ano ba talaga problema mo sa kanya- ang kilos?
ang baho ng kwarto? ang kahinaan ng pick-up? o ang paggising
ng tanghali? o lahat-lahat na?
kasi 'di mo pa pinapaalis sa likod ng sobrang daming angal
mo sa alilang iyan, ibig sabihin ay 'di pa ubos ang
pasensya mo, ubusin mo kaya muna!
kelangan bang tawaging alila?
subukan mo kayang
tawaging 'madam'?
malay mo!
(sakura)

Thursday, September 6, 2018

usapang lugi

oist sakura!
ang kapal naman ng mukha nitong tiyahin ko,
sinisingil ako ng mahal sa kuryente.
nagrerenta ako ng kwartong maliit sa kanya eh,
ilaw, maliit na bentilador at charger ang gamit ko.
kapag linggo, tatlong oras lang ako nagla-laptop!
mantakin mong singilin ako ng 1/3 ng bayarin
eh napakarami nilang gamit at halos buong
gabi kung mag TV at bentilador.
nagbayad na lang ako
pero lugi ako di ba?
(chimchim, 30)

----------------------------

hoy chimchim!
bakit sa dami ng marerentahan eh nandiyan ka?
bakit hindi pa kasali sa renta ang kuryente?
bakit di ka na lang magdagdag ng
gamit at wag din magtipid na
gaya nila para di ka lugi?
sabagay, baka lalong tumaas ang bayarin at lalo
kang singilin ng mahal? haaay.
bakit hindi po sabihin ang
punto mo sa tiyahin mo?
boba ba sya? ahhh
kung ganun, talo
ka nga. beh!
(sakura)

Sunday, August 26, 2018

sikretong tatay

oist sakura!
tatay na ako.
nasa tamang edad naman na ako at
nakatapos na ng pag-aaral pero yung gelprend ko
hindi pa eh. hindi pa kami kasal.
oo alam ko mali pero eto na eh, 'di bale na.
pero pamilya pa lang ng gelprend ko ang meh alam
at ang tatay ko-- kasi nahihiya akong
sabihin sa ibang kapamilya ko eh.
hay, paano ba yan?
(carlito, 22)

-------------------------------

hoy carlito!
tatay ka na? masaya ka dapat nyan!
nasa tamang edad ka na at nakatapos ng pag-aaral 'di ba?
yung gelprend mo hindi pa tapos ng pag-aaral?
hindi pa kayo kasal?  bakit?
alam mong mali? bakit 'di bale na?
pamilya lang ng gelprend mo meh alam?
at ang tatay mo? okay lang kayo?
kelan nyo balak ipagsabi yan?
ngayon ka pa nahiya?
paano nga ba?
(sakura)

Friday, July 20, 2018

kapal ng mukha

oist sakura...


kapal naman ng mukha nitong ex-gelprend
ng ex-boyprend ko. nilalagay nya pa
sa fezbuk profile ang picture nila ng
ex-boyprend ko eh wala
na naman sila matagal na.
'di naman sa nakekealam ako pero
ang kapal talaga nitong babaing ito...
ambisyosang prag!


nanet, 24




-----------------------------------------




hoy nanet!


bakit sinisilip mo fezbuk ng ex-gelprend ng
ex-boyprend mo?
bakit apektado ka pa kung trip nyang ilagay
sa profile ang picture nila ng ex-boyprend mo?
hindi ba pareha na kayong mga ex ng
lalaking 'yan, bakit parang
timang ka at nakikialam sa kilos nitong isa?
kung concern ka lang, 'di kaya maigeng kalimutan mo na?
kung inggit ka lang, bawal bang gayahin mo rin gawa nya?
ay oo, ilagay mo rin ang pic ninyo at itag pa sya!
pati 'yang ex-boyprend ninyo itag mo na rin
para kumpleto ang saya! bozit!


sakura

Wednesday, June 13, 2018

pagod na magmahal

oist sakura!
akala ko nuong una walang katapusan
kapag umibig o magmahal ka sa isang tao.
ngayon alam ko na na hindi pala
totoo yun. ramdam ko tapos na eh
pagod na ako at parang ang lahat
ng nangyari ay walang kwenta.
meron palang ganun?
(reyneir, 25)

-------------------------

hoy reyneir!
mahabang usapan kasi ang pag-ibig eh
inuman na lang kaya?
so nalaman mong may katapusan ang pag-ibig?
magandang saliksikin yan!
teka, sigurado ka bang pag-ibig yun?
napagod ka sa kakaibig? teka teka,
ano bang pinaggagagawa mo?
alin ang nawalan ng kwenta?
ang lahat-lahat?
hindi kaya pakiramdam mo lang yan?
ang alam ko, walang ganun eh.
(yung walang kwenta ang lahat) kasi matama man
o mali may natututunan ka di ba?
so may kwenta di ba?
itulog mo muna!
(sakura)

Wednesday, May 23, 2018

sana umalis na sya

oist sakura!
parang nakakabadtrip na ang pinsan ko.
wala nang ginawa sa buhay kundi makikain, makitulog, makigamit
ng mga gamit ko...mabait lang din ako sa kanya kasi hindi
sya nagsusumbong sa mga magulang ko na sa akin
din natutulog ang gf ko minsan.
pa'no ko kaya sasabihing
inis na ako sa kanya?
(gardo, 21)


-----------------------

hoy gardo!
bakit 'di mo pagsabihang humanap na lang ng ibang matitirhan?
bakit 'di mo pagsabihang bumili ng sariling nyang pagkain?
bakit 'di mo pagsabihang 'wag gamitin ang gamit mo?
ay oo nga pala, kasi nga pala may sikreto kang
hindi nya binubulgar 'noh?
pwes! magdusa ka! bwahahaha!
sige na nga, eto ang payong-tanong ko:
bakit 'di mo na lang sabihin sa mga
magulang mo ang lahat?
bakit 'di mo na rin kausapin na lang
ng masinsinan ang pinsan mo?
(sakura)

Monday, April 23, 2018

may dugyot sa palibot

oist sakura!
ang hirap ng buhay kaya nakatira ako sa apartment
na iisa ang banyo ng tatlong unit. okay lang
naman sa akin 'yung hatiang gamit pero
macho ako, mga kakapit-kwarto ay
feeling-sexy at nasusuka ako
kapag nakakakita ng gamit
na napkin na naiwan o 
mga patak ng regla
(minsan tae pa) sa 
sahig. dugyot
sila'di ba?
(ronald, 28)


---------------------------

hoy ronald!
sinubukan mo na bang pagsabihan ang kakapit-kwarto
mo tungkol sa phobia mo sa dugo... o sa ano mang
isyung ito ng masalimuot na buhay mo?
meh phobia ka nga ba sa dugo o
sadyang madirihin ka lang?
wala bang basurahan na meh takip sa banyo?
bakit 'di mo na lang lagyan?
at tungol sa mga patak sa sahig...
wala naman akong masabi kundi - ew! ew! ew!
(at minsan meh tae pa??? totoo???)
ano ba?!!! nasusuka na ako!!!
'wag ka na sumulat dito
please lang!!!
(sakura)

Tuesday, March 27, 2018

wag na kasi mag-ingles

oist sakura!
'di ko alam kung maiinis ako o
matatawa o maaawa dito sa
kakilala ko. ang baho kasi
ng pang-i-ingles. josko.
pwede ba ipapulis?
(jerry, 35)

-----------------------------

hoy jerry!
bawal bang mainis sa maling ingles? at ba't ka apektado?
bawal bang matawa ng konti? ba't pinipigilan mo?
bawal bang maawa at tumulong?
'di ba mas maigeng yan gawin?
ipapulis????? wag naman!
kaibigan mo ba 'yan? pagpayuhan mo!
kaw papulis ko jan eh! amp!
(sakura)


Friday, February 16, 2018

nangangatog sa kaba

oist sakura!
taragis! ninenerbyos ako!
nangangatog sa kaba.
whooo!
(carl, 27)

---------------------------

hoy carl!
kung kinakabahan eh dapat bang magmura?
bakit ka nga ba kinakabahan?
meh magawa ka bang
kahindik-hindik?
kung wala naman, pwede ba, chillax!
taena! nakakahawa ka!
(sakura)

Saturday, January 6, 2018

bozit na SSS yan!

oist sakura!
bozit na bozit ako sa SSS.
tatlong beses na ako pbalik-balik dun para mag apply
ng salary loan tapos kanina-kanina ko lang
talaga nalaman kung kelan tumawag na
lang ako, na meh problema pala
sa pag-encode ng data ko!
anak ng tinapa naman at nung tinanong ko
kung kelan ako pwede makapag loan eh
sinagot ba naman ako ng apat hanggang
limang buwan!
arrrrggghhh!
(namber39, 24)


------------------------------

hoy namber39!
at bakit dito ka nagwawala, SSS website ba ito?
at bakit pinaabot mo pa ng tatlong beses ka bumalik bago
ka nagtanong kung ano talaga ang problema?
ano ba talaga ang problema?
hindi mo pa ba pinaabot ang galit mo sa inyong kumpanya?
kung ipinaabot naman, wala ka bang balak magwala
para madaliin nila? samtayms it werks dir!
tadtarin mo kaya ng tawag hanggang
maubos ang load mo para makulitan sa 'yo...
dalawa lang naman papupuntahan nyan eh
ang madaliin nila o itapon nila ang
application form mo LOL
wag naman sana.
sya! gudlak na lang!
(sakura)